Elise POV
"Sorry sa kadramahan ko. Lika na kakain pa tayo. Sayang naman outfit mo." sabi nya ng tumigil na sa pag ikot yug ferris wheel.
Bumaba na kami at naglakad papunta sa parking dito sa park. Walang nagsasalita samin. Di ko rin kasi alam ang sasabihin ko sa nalaman ko. Nang malapit na kami sa kotse nya ay may humarang samin na grupo ng mga lalaki. Siguro mga 10 sila. Kinabahan ako ng makilala ko kung sino yung isa sa kanila dun. Sya yung lalaki kanina!
What do you need?" casual na sabi ni Dark. Parang di sya natatakot.
"Wala lang naman. Tuturuan ka lang naman namin ng leksyon. Pare pinahiya mo ko sa babaeng kasama ko kanina at hindi ko yun palalampasin." sabi nya.
"Tsk. Nagsama ka pa talaga ng mga aso mo. Bakit natatakot ka ba sakin?" tanong ni Dark na nakangisi pa. Nababaliw na ba to? Maihi-ihi na ko dito sa takot sya ngumingisi lang.
"Tumahimik ka!" sigaw nya.
"Dark." bulong ko sa kanya. Nasa likuran nya ako at nakakapit lang sa damit nya. Sobrang natatakot na talaga ako.
"Dont worry, I promised to your brother that I'll take care of you." bulong nya sakin.
"Tsk. Lover boy pala to eh." sabi nung isa sa kanila. Napapalibutan kasi nila kami.
"Dont you dare touch her." sabi ni Dark sa kanila.
"Wag kang mag alala, pagkatapos namin sayo isusunod namin sya. Mukhang masarap sya." sabay tawa pa nya.
Natatakot na talaga ako. Date namin to diba? Bakit ganto? Urgh.
"Lay a finger on her and I will make your life like a living hell." Dark said.
"Matapang talaga to boss. Tara na umpisahan na natin yan." sabi nung isa at sumugod na.
Pinagbubugbog ni Dark isa-isa at mukhang mananalo na sya. Talon ako ng talon sa tuwing makakasuntok sya at mapatumba nya yung kalaban ng biglang may humila sakin at nang tingnan ko ay hawak na ko nung lalaki kanina.
"Bitiwan mo ko! Ahh, Dark!" sigaw ko habang nagpupumiglas.
"F*ck! Elise!" sigaw ni Dark at lumapit samin. Bago pa sya makalapit samin ay itinutok sakin nung leader yung baril sa leeg ko. Napahinto si Dark at napangisi na lang yung may hawak sakin. Sa totoo lang naiiyak na talaga ako.
"One move, the girl dead." sabi ni Kuya. Umiiyak na talaga ako. Ayoko pang mamatay! Huhuhu!
"Wag mo syang idamay dito." sabi ni Dark.
"Kasama mo sya. So, bakit hindi ko sya isasali? Isa pa wala kang karapatang utusan ako." sabi nya at itinutok pa ng maigi yung baril.
"Huhuhu Dark. Natatakot na ko." sabi ko habang umiiyak.
"Sshh.. Elise stop crying please. Walang mangyayaring masama sayo. F*ck! Bitiwan nyo na nga sya!" sigaw ni Dark sabay tutok ng baril kay kuyang may hawak sakin. Teka, san nya nakuha yun?
"Matapang ka rin talaga noh?" tanong nung leader at itinutok ang baril kay Dark.
Parehas sila nagtutukan ng baril. Pansin ko rin na yung mga kasama nung leader ay nakatayo lang at pinapanuod sila. Ano bang klaseng mga tao to?
"I know you. Dark Andrew Sandoval the leader of the DarkKnight Gang. Tingnan mo nga naman, tsk. Tsk." sabi nya at iiling-iling pa.
"So, you know me huh?" Sabi ni Dark at nagsmirk pa. Ano bang nangyayari? Maya-maya nagring ang cp nung may hawak sakin at kinuha sa bulsa nya.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
