Chapter 38 Problem

535 18 2
                                    

Elise POV

-_-

"Oh bat ganyan yang mukha mo?" tanong sakin ni Coleen. Nandito na naman kasi kami sa canteen at kumakain.

"Si kuya Chan kasi eh. Nakakainis!"

"Oh? Bago?" sabi nya at sumubo sa pagkain nya. Tingnan mo to sinasarcastic pa ako. "Oh wag mo naman akong patayin sa tingin. Sige ka kawawa si Prince."

Inirapan ko nga.

"Ano ba kasing problema at para ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa? Alam mo ikaw, pansin ko lang ah, sa tuwing magkikita tayo eh laging badtrip ka." sabi nya. Tss. Wala na akong nagawa at kinuwento ko na lahat sa kanya.

"hahaha. Ano kayang itsura mo nun sa airport? Mukha ka sigurong tanga." Tingnan mo to. Kahit kelan talaga ang lakas mang-asar nito. "Pero teka pansin ko lang ah, bakit lagi ko na lang namimiss yung kahihiyan mo? Sayang di ko man lang nakikita haha." sinamaan ko nga ng tingin. Bwiset na to wala na talagang ginawa to kundi tawanan ako. Kaibigan ko ba talaga to?

"Hmmp! Ewan ko sayo. Kaibigan ba talaga kita? Kung tawanan mo ko ganun ganun na lang." sabi ko at inirapan sya sabay kagat sa burger ko.

"Haha. Joke lang eto naman! Alam mo kasi sa magkaibigan, hindi masaya kung walang tanga, eh kaso ikaw tanga kaya ang saya-saya" sabi nya at tumawa. Isa pa sasapakin ko na talaga to. "Im just kidding. Love na love kaya kita."

"Che! Ewan ko sayo, teka nga bat di mo yata kasama boyfriend mo?"

"Pakealam mo?" Sinamaan ko nga ng tingin. " Joke lang haha. Short tempered. Eh wag mo ng hanapin yun minsan na nga lang tayo magkaquality time eh." napangiti naman ako sa sinabi nya. Oo nga pala parehas na nga pala kaming may boyfriend kaya bihira na lang kaming magkasama.

"Oo na. Tss.."

"Ay teka, sabi mo kasama mo si Nathan sa airport. Bakit kasama mo sya?"

"actually dapat talaga eh lalabas kami para kumain sa labas. Friendly date ba. Pano ba naman, nagpunta pa sya sa bahay para lang ihatid yung gamot ko na pinabibigay ni Doc. Nahiya naman ako kaya niyaya ko na lang syang samahan ako sa mall and the rest is history." kibit-balikat na sabi ko at kinain yung spaghetti ko.

"Wala ka ba talagang balak sabihin sa kanila? Napatigil ako sa pagsubo sa tanong nya. Wala nga ba akong balak? Di ko alam.

"I dont know." sabi ko na lang.

"Madalas mo bang maranasan yung symptoms?" Napaisip ako sa tanong nya. Actually, 3 times na ring nangyayari yun. Salamat dahil nadadala naman sya sa inhaler ko kahit papano.

"Not exactly pero 3 times na akong sinumpong. Buti na lang nadadala sa inhaler ko pero habang tumatagal di na sya umuubra."

"hay, how I wish na mawala na yang sakit mo pero kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo." sabi nya habang hawak yung kamay ko.

"Salamat." naiiyak na sabi ko.

"Tigil na nga natin to. Nawawalan tayo ng poise dahil sa pag-iyak eh." natawa na lang ako sa sinabi nya. Swerte ko sa kaibigan ko.

Prince POV

Hi! Namiss nyo ba ako? Oo lang ang sagot. Tsk. Pasalamat kayo pogi ako haha. Anyway, kasama ko na naman yung tatlo, ako nga lang pinakagwapo sa kanila. Ako lang kasi ang masaya at nakangiti. Teka, mukhang mga retard mga kasama ko. Nandito na naman kasi kami sa favorite spot namin. Ang bar ko. Teka, parang katunog nung tagalog ng Boat (Barko), Ibig kong sabihin dyan Bar<space>KO ayan malinaw na.

Si Jake nakasimangot habang nakatutok sa cellphone nya. Si Eiji ganun din habang nagbabasa ng libro nya. Si Drew naman-ay oo nga pala wala na nga palang bago. Lagi namang nakasimangot yun eh. Pero iba ngayon eh. Nakasimangot habang nakatulala, parang mga nakadrugs mga kasama ko. Tsk.

Una kong tinabihan si Jake at tiningnan kung anong ginagawa nya sa cellphone nya. Mamaya nanunuod na pala ng porn to. Pagtingin ko napa What-the-fuck ako. Seriously?! Yun ang kinasisimangot nya? Naglalaro lang pala ng text twist.

"WTH dude!"

"What?" nakasimangot na sabi nya.

"Kanina ka pa nakasimangot dyan na nakatutok sa cellphone mo tapos naglalaro ka lang pala ng ganyan? Wag mong sabihin na yan ang kinasisimangot mo?"

"Wala ka ng pakealam dude. Eh sa hindi ko mahulaan kung ano ba tong word na to eh."

"Eh bakit di mo na lang i-give up para malaman mo yung sagot?" pwede namang ganun na lang gawin nya. Tss.

"Ayoko walang thrill. Hindi lahat kailangan mong maggive-up, minsan kahit mahirap eh kailangan pagtyagaan." Sagot nya at bumalik na naman sa cellphone nya. Feeling ko may hugot to. Yun naman uso ngayon diba?? Mga humuhugot.

Ay ewan! Bahala syang mabaliw kakaisip sa sagot sa nilalaro nya. Sunod na tinabihan ko ay si Eiji. Muntik ko nang mabatukan ang isang to ng malaman ko kung anong binabasa nya. Believe it or not pero ang binabasa nya ay walang iba kundi Bugtong!

"Anong klase ba yang binabasa mo?"

"Mystery word." walang ganang sagot nya.

"Mystery word?! Mystery word na sayo yang bugtong?!" di ko mapigilang mapasigaw sa kanya. I cant believe this!

"Mind your own business dude." sabi nya at tinitigan ulit yung libro ng bugtong. Sumasakit yung ulo ko sa mga to! Nawawala gandang lalake ko sa kanila eh. Teka, malapitan nga si Drew. Sana lang di ko ikatuluyang ikabaliw yung dahilan ng pagkatulala nya.

"Yow dude!" tapik ko sa balikat nya. Inirapan lang ako at di ako pinasin. Bakla ba to? Galing mang-irap eh. "Alam mo dude, pansin ko lang ah lahat kayo nakasimangot. Yung isa dun sa dulo problema nya kung anong sagot dun sa nilalaro nya. Yung isa naman dun namomroblema sa sagot dun sa bugtong. Ikaw anong kwentong simangot mo?"

"Why do you care?" sungit naman nito. Nagtatanong lang eh.

"Eh kasi dude, nawawala gandang lalake ko sa kakaproblema sa inyo kung anong problema nyo. Sige ka baka mabaliw ako. Ngayon alam ko na reason nung dalawa baka yung sayo pwede kong malaman. Sana lang di ko ikatuluyang ikabaliw dahilan mo."

"Tss.."

"Oh C'mmon dude! Sabihin mo na. Baka mabaliw ako pag di ko nalaman."

"Fine. Si Elise, she's with a guy named Nathan."

"Oh tapos? Pano mo nalaman?"

"She told me. She said she's with a friend named Nathan. I cant believe shes going out with a guy, when in fact Im his boyfriend and she's fucking mad at me!"

"Sinabi ba nya sayong galit sya?" napaisip naman sya sa tanong ko.

"She dropped the call without finishing my sentence."

"Yun lang problema mo?"

"What?!"

"Selos yan dude."

"Ofcourse not!"

"Tinawagan mo na ba ulit?" napatigil naman sya sa tanong ko. Tingnan mo to parang sira, pwede namang tawagan ulit. "You know what? Go grab your phone and call her and say that your jealous with that named Nathan."

"As if can tell her."

"Ewan ko sayo, bahala na nga kayo. Masisiraan ako ng ulo sa mga problema nyo. Simpleng bagay!" sabi ko at tumayo na. Pupuntahan ko na nga lang si Coleen. Baka magpakamatay yun sa sobrang pagkamiss sakin, kasalanan ko pa diba?

Sayang gandang lalake ko kung mamomroblema ako sa problema nila. Iiwan ko na muna sila rito sa bar<space>ko. Nandito naman yung business partner ni dad este ko.

Sige bye na muna! *wink*

How to Date a Womanizer and Break his HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon