Chapter 46 Surprise?

454 15 8
                                        

Elise POV

Sigh.

Sigh.

Sigh.

Sigh.

"Urgh! Ano ba! Naloloka na ako!" reklamo ni Coleen sabay salampak ng katawan sa lamesa. Salitan kami sa pagbuntong-hininga. Hanggang ngayon kasi wala pa ring kaming contact sa DarkKnight Gang, tama kayo silang lahat wala! Jusko! "Pagbalik talaga ng Prince na yan, puputulin ko ang lahat ng pwedeng putulin sa kanya! Kainis!" dagdag nya pa.

"Siguro may ginawa lang silang importante." sabi ko at pumalumbaba. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"Wow! Sana man lang nagsasabi sila kung nasaang lupalop man sila naroon! Wait, how about yung parents ni Drew? Bat di mo kaya tanungin malay mo alam nila!"

Nanlaki yung mata ko. Bat di ko naisip yun? Kinuha ko agad yung cp ko sa bag ko.

Dinial ko agad yung number ni ate white. Nakailang ring bago nya sagutin.

"Ate white!" I screamed as soon as she pick up the phone.

"Elise? Whats with the scream? Miss mo na ako agad?"

"Ah hehe." yun lang yung nasabi ko. Tumawa naman sya sa kabilang linya.

"Im just kidding. Gusto na talaga kita. Alam ko kung bakit ka napatawag, may ginawang kalokohan sayo yung kapatid ko noh?"

"Ay naku, hindi po ate White. Actually, itatanong ko lang sana kung umuwi ba si Dark?"

"What do you mean?"

"2 weeks na po kasi akong walang balita sa kanya."

"Hindi naman umuuwi dito yun eh. Baka naman may surprise lang. Ganun talaga yun. Mabuti pa wag mo ng isipin yun, ganun lang talaga yun. Naku talaga, lagot talaga sakin yung mokong na yun. Pag-alalahanin ba nang ganyan yung future sister in law ko!" Natawa na lang ako sa sinabi nya.

"Ah hehe, salamat ate White."

"Oh sige na. I've got to go na. See you when I see you." and she hung up the phone.

"Oh ano sabi? May balita na daw?" Umiling ako. "Ughh! Ano ba naman yan! Nakakainis talaga!!" reklamo nya at tumungo sa desk nya. Di ko rin naman sya masisisi, siguro talagang mahal nya lang talaga si Prince.

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon