Elise POV
"Kyaah! Elise gues what?" Si Coleen yan. Yan ang bungad nya sakin pagdating nya dito sa Canteen.
"Ano na naman yan. Badtrip ako, wag mo kong guluhin." Sabi ko sabay subo ng lasagnang inorder ko.
"Haha. Is it because of your first lov—"
"Sige ituloy mo yan, tutusukin kita nitong tinidor ko."
"Chill, haha. Oh sya, dahil ba sa eksena nyo kanina ni King? Grabe ha, para kaming nanunuod ng teleserye. Dinaig nyo pa ang Kathniel at Jadine kanina sa sagutan nyo ah, intense! Pero gwapo sya ha! Haha. Kaya lang mas gwapo talaga si Drew."
"Manahimik ka na nga lang dyan. Ano ba yung sasabihin mo? Paguess guess what ka pang nalalaman dyan. Ano ba yun?"
"Ah yun ba? Hihi. Kami na." Sabi nya na parang nahihiya na akala mo high school student na naging sila ng crush nya.
"Oh? Congrats." Sabi ko ng nakapoker face at sumubo ulit.
"Alam mo ang bitter mo talaga eh. Alam mo bang ineexpect kong magtatatalon ka at yayakapin ako sa tuwa tapos yan lang ang reaksyon mo? Wow as in Wow." Sabi nya sabay irap at humalukipkip.
"Eh anong gusto mo? Magpaparty ako dahil sa wakas may boyfriend na ang kaibigan ko? Alam mo masaya naman ako para sayo eh sadyang badtrip lang talaga ako."
"Tsk. Okay fine. Damahin mo muna yang kadramahan mo. Tsk. Alam mo sa tingin ko dapat mag move on ka na dyan kay King."
"Move on? Baliw ka ba? Diba sabi ko sayo na puppy love lang yun. Sadyang naiinis lang talaga ako sa kanya."
"haha. Okay, okay. Sabi mo eh." Sabi nya at sumubo na rin ng inorder nyang pagkain.
Baliw talaga tong kaibigan ko. Sana lang maging masaya sya kay Prince.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
Storie d'amoreDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...