Elise POV
"Good Morning" bati ko kay Coleen pagdating ko pa lang sa room.
Tiningnan nya lang ako ng nagtataka.
"Anyare?" tanong nya.
"Huh? Wala naman masaya lang."
"Hmm..parang kahapon lang ng umaga badtrip ka ah, pero ngayon mukhang ang saya-saya mo. May nangyari ba?"
"Haha. Di naman. Sabihin na lang nating-"
"Oh my! Nakita mo si King? Parang badtrip sya."
"Oo nga nakakatakot, pero ang gwapo pa rin nya."
"Teka, nalaglag ulit yung panty ko pakipulot."
Putol ng mga kaklase ko sa sasabihin ko.
Grin. Mukhang epektib yung ginawa ko kagabi. Nakita ko naman syang pumasok na sa classroom na nakakunot ang noo at lumapit sa tapat ko. I gulped when he totally here infront of me.
"What?" tanong ko ng makabawi ako ng kaba.
Isang nakakalokong ngiti lang ang natanggap ko rito.
"Kahit ano pang gawin mo, hindi kita titigilan." sabi nya.
Napasimangot ako sa sinabi nya.
"Ano bang kailangan mo? Tigilan mo na nga ako pwede ba?"
"No. Unless hayaan mo kong magpaliwanag sayo."
"Bakit ba ang kulit mo?" Ang kulit nito ah! Naaasar na ko.
"Dahil gusto ko lang magpaliwanag."
Bumuntong hininga na lang ako sa kakulitan nito.
"Sinabi ng di ko kailangan ng paliwanag mo diba?"
"Pero cha-"
"I said stop giving me names!" putol ko sa sasabihin nito.
"Okay maine." sabi nya.
"Kelan ka ba talaga titigil?" Naiinis na talaga ako sa lalaking to. Napupuno na ko.
"Pag hinayaan mo kong magpaliwanag sayo."
"Ugh! Okay fine. 7pm kahit saan." sabi ko rito at ang loko nakangiti ng nakakaloko. Tumaas ang isang kilay ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Pfft. Wala lang. Yan pala ang ayaw, nagset na agad ng date."
Nagroll eyes lang ako sa kanya.
"Ayaw mo? Okay fine. Madali lang naman akong kausap eh." sabi ko.
"Im just kidding. Sige see you later." sabi nya at lumabas ng classroom.
Okay? Problema nun? May klase pa ah! Tumingin naman ako sa paligid at nakatingin lang sakin ang mga kaklase ko maging si Coleen. Tsk. Oo nga pala nandito nga pala sila. Tsk.
"Sila na ba?"
"Ang sweet nila noh?"
"Sayang may boyfriend na si Elise."
"Sila na ba?"
Para na naman silang mga bubuyog sa kakabulong.
Sinamaan ko lang sila ng tingin.
"Wahaha Elise nakakakilig kayo ha."
"Tigilan mo nga ako pwede?" sabi ko. Nangungulit na naman to eh.
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...