Elise POV
Nagising ako at isang pamilyar na lugar ang una kong nakita. Walang duda nasa hospital na NAMAN ako, wala akong matandaan. Ang naaalala ko lang ay nung pumunta akong hospital para dalawin si Dark at nakita ko rin si Bianca, pagkatapos non ay wala na kong maalala.
Lumingon ako sa paligid. Natutulog na Coleen ang nakita ko, nang makita nya kong gising ay gulat na gulat sya.
"E-elise? Are you okay? May masakit ba sayo?" Natatarantang tanong nya. Teka nga, bakit parang ang O.A neto ngayon -_-? Inalis ko yung nakatakip sa bibig ko na hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong tawag. Anyway, hinarap ko sya.
"O.A te? Ayos lang ako. Ano bang nangyari? Bakit nandito na naman ako?" Tingnan mo to! Iyak lang yung sinagot sakin. "Hoy! Wag mo kong iyakan, sagutin mo tanong ko."
Ngumawa lang sya tapos niyakap ako.
"Waaah!! Akala ko, akala ko iiwan mo na kami! *huk* akala ko aalis ka na!" Umiiyak na sabi nya. Naguguluhan ako.
"Pinagsasabi mo? Buhay pa ko noh!"
"Kasalanan mo! Sino ba kasi may sabi sayong matulog ka dyan ng dalawang linggo ha!?" 2 weeks?
"2 weeks na ko dito?"
"Oo! Hindi ko nga alam sayo kung bakit natulog ka ng ganun katagal eh. Di mo ba alam na nag-aalala kami sayo! Tapos, waah! I feel guilty😭😭😭" ngumawa lang sya ng ngumawa. Ano bang problema neto?
"Ano ba kasing nangyare?"
"Hindi mo ba talaga matandaan?" Tanong nya kasabay ng pagsinghot nya. Napangiwi ako.
Flashback
Coleen's POV
"Huy! Ano bang nangyayari sayo dyan?" Tanong sakin ni Prince. Nandito kasi ako sa kotse nya at papaalis na kami ng hospital.
"I don't know, alam mo yung feeling na parang ano ah.."Di ko kasi malaman kung ano ba yung right term don eh.
"Alam mo babe, kung nauutot ka pwede wag dito sa kotse ko, mahiya ka naman." sinapok ko nga.
"Ano ba! Puro ka naman kalokohan eh!"
"Eh ikaw naman kasi para kang sira dyan eh kung sinasabi mo sakin edi nakakarelate ako."
"Fine! Kasi si Elise gustong puntahan si Drew. Ayun pinapunta ko."
"Ha? Eh diba ang alam ko di sya pwedeng lumabas sa kanila dahil sa nangyare?"
"Oo nga. Eh eto naman kasing si Elise gustong-gusto makita si Drew, anong magagawa ko?"
"Oh eh gusto lang palang makita eh, anong pinoproblema mo jan?"
"Eh kasi ano eh."
"Tingnan mo to pabitin ka! Eh kung sinasabi mo kaya!"
"Eh bakit mo ko sinisigawan?!" Lokong to. Sapakin ko kaya to.
"Sorry na babe, nacarried away lang haha. Bakit ba kase?"
"Wala. Nevermind. Nagugutom lang ako. Let's go na." Wala naman siguro to.
Maya-maya nagring yung phone ko. Si Nathan tumatawag.
"Sino yan babe?"
"Si Nathan."
"Nathan? Yung gwapong doctor?"
"Nurse pa lang. Wag kang ano, nag-aaral pa lang sya maging doctor."
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...