Chapter 16

960 30 1
                                        

Elise POV

"Ayan ang galing mo Elise konti na lang matatapos na rin natin to." sabi nya habang binabasa yung nasa contract. Nandito na naman kasi sya sa kwarto ko at binulabog na naman ako para dyan.

"Oo na. Bat nandito ka na naman?"

"Wala lang. Bakit, masama na bang binisita ka?"

"Di naman. Alam kong may kailangan ka kaya ka nagpunta dito ng walang pasabe." sabi ko. Pagpumupunta kasi dito yan ay nagsasabi yan. Ewan ko ba naman sa babaing to.

"Grabe ka naman sakin. Di ba pwedeng namimiss lang kita?"

"Tigilan mo ko sa ganyan mo. Sige na, spill it. Anong kailangan mo?" sabi ko at tiningnan sya. Napasimangot lang sya.

"Eh kasi.."

"Dali. Ang tagal." sabi ko at pumalumbaba.

"Eto na. Eh kasi Elise gusto lang kasi kitang makasama. Baka kasi sa susunod na araw, mahati na yung time ko sayo kaya sinusulit ko na."

"Wait hold on. What do you mean mahahati? Iiwanan mo na ko? Aww..bat ka ba nambabatok? Sadista ka talaga." sabi ko pano batukan daw ba ako?

"Ang lawak kasi ng imagination mo. I mean mahahati kasi.." napataas lang ang kilay ko at hinihintay ang susunod na sasabihin nya. "Sa..sasagutin ko na si Prince." sabi nya ng pahina ng pahina. Nanlaki ang mata ko.

"Woah! Talaga? Sasagutin mo na asdfghjkl" sigaw ko at tinakpan nya ang bibig ko.

"Sshhh..wag kang maingay!"

"Bakit naman hindi?" sabi ko ng matanggal ko ang kamay nya sa bibig ko.

"Baka..baka marinig ka ni kuya Christian." sabi nya.

Pfft..hahaha oo nga pala may crush nga pala to kay kuya.

"Hahaha. Oo na sige na. Kelan mo sya balak sagutin?"

"Hmm..iniisip ko pa nga kung kelan eh. Tingin ko naman nagbago na sya."

"Hay, akala ko pa naman expert ka sa mga ganito. Dapat hindi mo pina iisipan kung kelan. Dapat yung siguradung-sigurado ka na. Saka dapat mahal mo na talaga sya bago mo sya sagutin. No offend pero payong kaibigan lang."

"Oo na. Salamat."

"Basta kung kelan maging kayo dapat ako ang unang makakaalam ha!?"

"Oo naman noh!" sabi nya.

"Teka , so kung sasagutin mo na si Prince edi sasabihin mo rin sa kanya yung about sa contract?" tanong ko.

"Syempre hindi noh! Mamaya madulas pa yun at masabi kay Drew edi sira ang plano."

"Paglilihiman mo sya!?" tanong ko. Kasi diba dapat pag nasa isang relationship kayo dapat walang lihiman?

"Kung kinakailangan gagawin ko. Syempre ayokong mabulilyaso ang plano noh?"

"Sigurado ka ba dyan? Baka mamaya pag awayan nyo yan ni Prince pagdating ng panahon."

"Hindi yan. Akong bahala." sabi nya.

~~~~~~~~~~~~

Sabay nating liparin
ang mga bituwin
Sabay nating langhapin
Ang sariwang hangin

Sabay natin abutin
Mga pangarap natin
Sabay tayo ngayong gabi
Sa atin ang mundo

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon