Chapter 24

747 23 2
                                        

Elise POV

"Kyaah! Nakakakilig naman kayo!" Sabi ni Coleen sakin with matching palo pa.

"Aray ha! Wag ka namang manakit."

"Eh bakit ba. Kinikilig ako eh." Sabi nya at tumawa pa. Nandito kasi kami sa kwarto ko at kinuwento ko sa kanya ang pag uusap namin ni Dark.

Alam kong medyo baduy ang mga sinabi namin sa isa't-isa pero inaamin ko kinilig ako dun.

"Uy! Ngumingisi mag isa!" Tukso nya at sinundot ako sa tagiliran.

"Ano ba? Wag ka nga dyan! Di ako kinikilig noh!" Nangingising sabi ko.

"Asus..kunwari pa. Kinikilig naman." Asar pa nya. Inaamin ko kinilig ako nung time na yun. Malaki rin talaga ang utang na loob ko kay Dark kundi dahil sa kanya eh baka hanggang ngayon hindi ako masaya ngayon.

Nandun sya nung time na down na down ako. Kahit na di ko sya kinakausap pagpumupunta sya rito ay paulit-ulit pa rin syang bumabalik. Gumawa rin sya ng paraan para mahanap sila Mom at naipakita ko rin sa kanya na malakas ako katulad ng nasa Contrac- teka, contract?

"Oh? Anong hinahanap mo dyan?" Tanong ni Coleen nang tumayo ako para kunin ang bag ko at magkalkal. Nang makuha ko na ang kailangan ko ay nilabas ko ito. "Oh? Yan yung contract diba?" Tanong pa nya.

"Yeah." Binasa ko ulit ito.

"What's your plan?" Tanong nya.

"Lets stop this." I totally said.

"You mean, ititigil na natin to?"

"Oo. Naisip ko kasi na malaki ang utang na loob ko kay Dark at sa tingin ko naman nagbago na sya. Yung mga sinabi nya kasi sakin nun parang totoo at pakiramdam ko mahal ko na rin sya."

"Wait, ititigil na natin ang contract na ito dahil lang sa malaki ang utang na loob mo kay Drew? Baliw ka ba?" Reklamo nya.

"Coleen listen. Hindi dahil dun, dahil yun sa ipinakita nya sa akin nung time na kailangan ko sya at sa mga sinabi nya sakin. I know na inlove ka rin kaya alam mo yung mga sinasabi ko. My decision is final ititigil na natin ang contract." Mahabang litanya ko.

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon