Elise POV
"Oy! Ang aga-aga nakapalumbaba ka dyan?" sabi ni Coleen sabay tabi sa upuan ko. Nandito na kasi ako sa school. In cafeteria actually.
"Eh kasi naman eh mas nakakaboring pala dito kesa sa bahay eh"
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Eh diba ikaw ang may gustong pumasok ka sa school? Yung totoo?"
"Eh hindi ko naman kasi alam na mas boring pala dito kesa sa bahay."
"Umamin ka nga, alam ko kung bakit ka ganyan." Tiningnan ko sya ng nagtataka look pero sya nakangisi lang sakin na parang sira. Tinaasan ko tuloy ng kilay.
"What?"
"Dahil kay Drew noh, kaya ka ganyan?"
"What the! Ofcourse not!"
"Sus, kilala kita. Eh diba sinabihan mo na sya na layuan ka na nya."
"Wala akong sinasabing ganyan sa kanya noh!"
"Yun naman ibig mong sabihin don sa pag uusap nyo sa hospital diba?"
"Minsan talaga iniisip ko na wag ng ikwento sayo."
"Well, di mo kaya. Ako pa! Lakas ko kaya sayo haha."
"Ewan ko sayo!"
Simula kasi ng pag uusap namin sa hospital ay hindi na nagpapakita sa akin si Dark. Kasalanan ko din naman kasi. Minsan talaga di ko rin maintindihan sarili ko eh.
"Teka nga, magseryosohan nga tayo, ano bang nararamdaman mo ngayon."
"Bakit mo tinatanong?"
"Kasi gusto ko? Bilis na sagot na, dami pang commercial eh."
Inirapan ko nga.
"Mahal ko sya."
"Alam ko. Bakit ba kasi hindi mo na lang sya hayaan sa gusto nya? Elise gusto ka nyang alagaan."
"Alam ko pero ayoko lang kasing masaktan sya sa huli, pano kung mawala ako, pano kung iwan ko sya, pano kung..."
"Alam mo yan ang hirap sayo eh. Masyado kang nega eh! Bakit hindi mo na lang sya hayaang alagaan ka? Yun naman ang gusto nya diba?"
"Ayoko lang kasing masaktan sya."
"Sa tingin mo ba hindi sya nasasaktan sa ginagawa mo ngayon? Alam mo ha, payong kaibigan lang pero naaawa ako sa kanya."
"Ano bang dapat kong gawin?"
"Gawin mo kung anong gusto mo, kung anong gusto ng puso mo."
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Sa totoo lang mahal na mahal ko talaga si Dark pero ayoko lang kasi na baka isang araw, iwan ko sya. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Nakita mo si Drew? Ang gwapo nya noh?"
"Oo nga grabe nalalaglag yata ulit yung panty ko oh ehm!"
"Ang hot nya lalo!"
Nagkatinginan kami ni Coleen sa narinig namin. Nagkibit balikat sya at ngumuso na tinuturo yung nasa likuran ko. Napakunot noo ako at tiningnan kung ano yung nginunguso nya. Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko ng makita ko sya. Yung taong mahal na mahal ko. Grabe parang nagslow motion lahat ng nasa paligid ko at sya lang ang nakikita ko na papalapit dit— teka? Papalapit dito? Bigla akong kinabahan at umayos ng upo at tumingin na ulit sa harapan ko. Uhh.. What to do? Papalapit sya dito?
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
