Chapter 9 Bar

935 37 2
                                        

Elise POV

Nasa room kami at nagpapakiramdaman kung sino na ang matatawag para makuha na ang results ng Prelim exam.

"Legaspi" tawag ng prof ko. (Hindi sya naka alphabetical)

"Santiago"

"Montiel"

"Han"

Napaawang si Coleen ng marinig nya ang pangalan nya at dali-daling kinuha ang papel nya.

"Kyaaah! I made it, I made it!" sabi nyang tuwang-tuwa. Pinakita nya pa sakin ang papel nya at isang tumataginting na perfect ang nakuha nya.

"Congrats." nasabi ko na lang at tumingin kay prof na patuloy sa pagbabanggit ng pangalan.

Ano ba yan ang tagal mabanggit ng name ko.

"Cruz"

"Smith"

"Scott" Agad akong tumayo at kinuha ang papel ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Totoo ba to?

"Uy patingin, ilan ka?" Coleen.

Pinakita ko sa kanya at ganun na lang din ang pagkalaki ng mata nya.

"OMG! Nakapasa ka rin! Ang galing natin!" sabi nya at niyakap pa ako.

"So tara na." sabi nya pagkaharap nya sakin.

"Saan?

"Bar." sagot nya habang inaayos na ang gamit nya.

Teka seryoso talaga sya?

"Seryoso ka?" tanong ko.

"Seryosong-seryoso at saka pumayag ka na kahapon. So tara na!" sabi nya.

"Teka, ang aga pa kaya." sabi ko at pinigilan sya sa pagtayo.

Tiningnan nya lang ako na parang nababaliw-ka-na-ba-look.

"5:30 na Elise. Wala na tayong next subject. Gusto mo bang maburo na lang dito kahihintay? Saka pumayag ka na kahapon. Wala ng bawian. Halika na wag ka nang maarte. Libre ko naman to eh. Basta ang gagawin lang natin mag enjoy." mahabang litanya nya.

"Pero Colee-"

"Isa pang reklamo mo sasapatusin na kita." Putol nya sa sasabihin ko. Ang hard talaga ng babaeng to. Wala na kong nagawa kundi sumunod na lang, ayoko kayang masapatos.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Woohoo! Ang saya dito grabe!" sabi ni Coleen hbang tinataas-taas sa ere ang kamay nya. Kanina pa kasi kami dito at mukhang marami na syang nainom. Ako naman wala pa. Mula nung pumunta kami dito, juice lang ako. Ayoko kaya ng alak, di pa ko nakakatikim nun. Sa tuwing pupunta kasi kami dito eh juice lang parati ang iniinom ko.

"Hoy Elise, anduga mo! Bakit juice lang yang iniinom mo?" tanong nya at humarap sakin na mapupungay ang mata. Lasing na nga to.

"Ayokong uminom. Di ako umiinom nyan."

"Sus..ang K.J mo. Lagi na lang pag nagpupunta tayo juice iniinom mo. Anong akala mo dito Birthday party?" sabi nya at tinungga ang alak nya. Ibang klase talaga to. Sanay na sanay sa inuman eh. Tuwid pa rin magsalita kahit lasing na.

"Ano ka ba, di nga ako umiinom diba?"

"Hay nako, ang k.j mo talaga. Ako naman magbabayad eh."

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon