Chapter 30 Asthma

645 19 3
                                    

Elise POV

"Good morning." yan ang bati sa akin ng isang nakasimangot na gwapo.

Akala ko nananaginip lang ako na si kuya Christian ang nakasimangot na yun at kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago sya tiningnan ulit.

"Kuya Chan?" sabi ko ng marealize kong di nga ako nananaginip.

"Bumangon ka na dyan. May bisita ka sa baba."

"Bisita? Sino."

"Boyfriend mo." nakasimangot na sabi nya. Namula naman ako dahil dun. Tsk nagkaboyfriend lang ako, nailang na agad ako.

"Bilisan mo malalate ka na sa school. Isa pa ginigisa na sa baba nila Dad at kuya Top yung Boyfriend mo sa baba. Kaya kung ako sayo tatayo na ako dyan at magbibihis na ako." sabi nya. Agad nanlaki ang mga mata ko at dumiretso na agad ako sa banyo.

"Sige kuya. Bababa na lang ako. I love you." sigaw ko mula sa loob. Di ko na sya narinig na sumagot pa.

Nang matapos ako ay bumaba na ako agad at nadatnan ko silang lahat na nasa kusina. Mukhang masaya naman at nagtatawanan sila. Akala ko ba ginigisa nila kuya at Dad to?

"Oh anak? Halika na maupo ka na rito at mag almusal ka na. Nakakahiya naman dito sa boyfriend mo at sinundo ka pa." uupo na sana ako sa tabi ni Dark ng tumayo si kuya Top at pinigilan ako.

"Hep! Hindi dyan dito ka. Ako na dyan." pigil nya sa akin at lumapit sa uupuan ko sana.

"Ano ka ba Kristoff. Hayaan mo na nga yang kapatid mo." mom said.

"Hindi pwede mom. Dyan muna sya."

"Kuya!" reklamo ko. Kaharap ko lang tuloy si Dark. Imbes na magkatabi kami eh.

"Wag ka ng magreklamo dyan. Wag kang mag alala di ko gagalawin tong boyfriend mo." sabi nya at kumagat pa sa pandesal nya.

Napasimangot na lang ako at nag umpisa na kaming kumain. Masaya naman ako dahil mukhang tanggap naman nila si Dark.

~~~~~~~~~~~~~~

"Sila na ba?"

"Grabe ang pogi ni Drew"

"Bagay sila. Perfect couple."

"Mas bagay kami ni Drew."

Bulung-bulungan yan dito sa campus. Naglalakad kami ni Dark ng magkahawak ang kamay. Nakakailang pero kinikilig ako.

Pero sinamaan ko nga ng tingin yung huling nagsalita na mas bagay daw sila ni Dark. Eh kung sipain ko kaya ito?

Nagtataka kong tiningnan si Dark ng tumigil sya sa paglalakad. Pansin kong ang daming nakatingin samin. Ano to? Nakared carpet ba kami para tingnan kami habang lumalakad dito sa hallway? Lakas makaartista ng dating ah!

"Okay. Everyone listen." umpisa nya. Mukhang lahat sila ay interesado sa sasabihin nya. Kahit ako eh. Ano kayang sasabihin nito?

"From now on, this girl beside me is mine. She's my girlfriend now. Anyone is not allowed to hurt her or else I will kick you out from this school. I love her and I'll do everything for her. Thank you. You may now go back to whatever your doing." sabi nya at hinila na ako. My ghad! Kinikilig na naman ako! Ibang klase to si Dark magpakilig. Napansin ko yung ibang mga babae na di maipinta ang mukha sa busangot. Sorry na lang sila, ako girlfriend eh.

"Sabay tayo mamayang maglunch." sabi nya pagkarating namin sa tapat ng room ko.

"Huh? Sabay ba tayo ng vacant?"

How to Date a Womanizer and Break his HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon