Chapter 43 Bitch

426 15 2
                                        

Elise POV

"Hi! Pwede ba kitang makausap?" Nagulat ako sa taong nagsalita. Gusto nya akong makausap?

"Ah Eh.."

"Please!? Don't worry wala akong gagawing masama sayo. Gusto lang talaga kitang kausap." SHE said and rolled her eyes on me. Pagbibigyan ko ba to? Haist! Sige na nga.

"Okay. You set the place."

"Sure. Lets go."

Pumunta kami sa malapit na coffee shop. Di ko feel yung ambiance ng babaeng to ah.

"Anong pag-uusapan natin?" I asked. She rolled her eyes on me, I rolled my eyes too. Kala nya sya lang ah!

"I know na alam mo kung anong pag-uusapan natin. Okay sige para malinaw gusto ko lang sabihin na binabawi ko na si Andrew."

"Woah! Wait, wait. Tama naman dinig ko diba? Binabawi mo na si Dark?" Again. She rolled her eyes on me. Dukutin ko kaya eyeballs nito?

"Idiot."

"Teka teka, di ko yata gusto yang tabas ng dila mo ah! Hoy para sabihin ko sayo ikaw ang may kailangan sakin kaya pwede ba wag kang umasta na parang ako pa may kailangan sayo." nakakaloka.

"Andrew is mine."

"Oh!? Kelan pa? Sa pagkakaalam ko eh pagmamay-ari ko na sya." kung bitch sya mas bitch ako!

"Ako pa rin ang mahal nya."

"Woah! Lakas ng confidence mo ah! Bat di ka kaya sumali sa paligsahan palagay ko mananalo ka."

"Don't changed the topic. Bumalik ako rito para bawiin si Andrew, kaya ibalik mo na sya sakin."

"Bawiin? Ibalik? Sa pagkakaalam ko di ko naman sya hiniram sayo at lalong hindi ko sya hiningi sayo kaya wala akong ibabalik sayo."

"Ako ang mahal nya."

"Noon yun. Noong di mo pa sya iniwan, kaso iniwan mo sya edi naghanap sya ng iba. So sorry ka na lang kasi wala akong isosoli sayo."

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon