Chapter 41 The Missing Contract

454 15 2
                                        

Elise POV

"Uy, anong ginagawa mo?" Coleen asked. Hindi ko sya pinansin at patuloy pa rin sa paghahanap. Nasan na kaya yun? Hindi pwedeng mawala yun. "Oy ang ganda ko naman kung hindi mo ko papansinin." dagdag pa nya.

"Yung 'ano' Coleen nawawala. Naalala ko kagabi nilagay ko sa bag ko yun eh pero ngayong hinahanap ko di ko makita. Hindi pwedeng mawala yun." patuloy pa rin ako sa pagkalkal ng bag ko, itinaktak ko na para sure kaso wala!

"Eh kung sinasabi mo kaya sakin kung ano yung tinutukoy mo diba? Hello, nagmumukha kaya akong tanga."

Sigh. Pinalapit ko sya sakin at ibinulong ko sa kanya kung ano yung nawawala.

"What!? Nawawala yung contract!?" tinakpan ko kaagad yung bibig nya. Tsk ang daldal talaga nito.

"Sshh! Ang ingay mo."

"Ow sorry. O.A lang hehe."

"Naalala ko talaga nilagay ko lang dito yun eh. San na kaya napunta yun?"

"Baka naman na misplace mo lang?"

"No. Im sure nilagay ko sa bag ko yun eh." patuloy pa rin ako sa paghalungkat ng bag ko pero wala talaga.

"Eh? Wait nga. Bakit mo pa hinahanap yun eh wala naman ng bisa yun diba? Para san pa?"

Ay oo nga noh? Para san pa nga ba? Nginitian ko na lang sya.

"Hehe actually di ko rin alam."

"Mabuti pa wag mo nang isipin yun. Wala naman ng bisa yun eh and besides masaya ka naman na kay Drew."

"Nag-aalala lang kasi ako may pangalan din kasi ni Dark dun at pangalan at pirma ko yung nakalagay dun. Ah bahala na nga! Tara samahan mo ko, kakain tayo sa canteen."

"Alright. Gutom din ako eh haha."

Bakit ganun? I had this feeling na kelangan kong hanapin yun o baka O.A lang ako? Tsk. Ewan.

Bianca's POV

"Ang inet! Psh! What kind of place is this?" reklamo ko pagkababa ko ng sasakyan tsk. Oo nga pala Pilipinas nga pala to. Napangiti ako ng mabasa ko ang pangalan ng school na to Dark University huh? Walang duda kay Andrew nga ito, I transferred here because of Andrew, I heard dito rin nag-aaral yung girlfriend nya. Tsk, mas maganda pa ko dun eh.

How to Date a Womanizer and Break his HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon