Elise POV
Kakaibang feeling yung nararamdaman ko ngayon parang nakikipagkarera ang puso ko sa sobrang pagtibok nito kasabay ng pagluha ko.
Hindi ko alam kung anong irereact pero sobra kong naapreciate kung ano man ang ginagawang ito ni Dark. Grabe ang sarap sa feeling.
Alam ko namang nasabi na sa akin ni Dark na mahal nya ako. Kaso ngayon ibang-iba parang mas lalo akong kinilig. Shet ang landi ko!
"Akala ko, may event talaga kaming pupuntahan ni Coleen. Ang galing mo ha! Pano mo nakuntyaba ang isang yun?" tanong ko sa kanya na may ngiti sa labi.
"Well, actually nahirapan din ako sa pagplano nito at isa sya sa tumulong."
"Ah, ang galing nya. Di man lamang ako naghinala sa kanya."
"Sabi ko nga isa sya sa mga nagplano so, shall we?" sabi nya and he held my hand leading to the table.
Tinulungan nya akong umupo gaya ng mga napapanuod ko sa mga movies ang gentleman ng dating haha!
Umupo na rin sya pagkatapos ay may tinawag syang waiter. Nagulat na lang ako na ang lumabas na waiter ay si Prince kasunod si Coleen na parehong nakasuot ng pang waiter/waitress damit. Talagang sabay pa sila ah. Si coleen ang may hawak ng menu habang si Prince naman ay may hawak na pitsel. Pagkarating nila ay inabot na sa akin ni Coleen ang menu at ang loka kumindat pa sa akin habang si Prince naman ay nagsalin sa mga baso namin.
"Pili ka lang ng gusto mong kainin." sabi ni Dark.
Sa totoo lang wala akong mapili sa sobrang dami at mukhang sobrang sarap lahat.
Nung may napili na ako ay isinulat na ni Coleen ang sinabi ko at umalis na sila. Loka to kinindatan at nginitian pa ako. Natawa na lang ako sa inasta nya.
Maya-maya dumating na rin ang pagkain. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa matapos kami. I wonder kung ano ang nasa isip nya.
Maya-maya ay may tumugtog na naman at laking gulat ko ng ang tumutugtog pala ay si Jake at Eiji. Grabe magaling pala silang tumugtog. Nakangiti lang sila sa akin ng tingnan ko sila.
Nagtataka kong tiningnan si Dark ng tumayo sya at nilahad yung kamay nya sakin. Problema nito?
"May I have this dance?" nakangiti nyang tanong sa akin.
Nakangiti ko ring inabot sa kanya ang kamay ko at nag umpisa na kaming sumayaw ng dahan-dahan. Grabe na ang pagtibok ng puso ko. My ghad! Kinikilig ako!
"Bakit mo to ginagawa Dark?" tanong ko habang patuloy pa rin kami sa pagsway.
"I already answer your question right? Okay I repeat it again. I did this thing because I love you." sabi nya at tinitigan ako sa mata.
"You dont have to do this Dark." sabi ko sa kanya. Actually di nya na kailangang gawin ang mga bagay na ito dahil sobrang kinikilig na ako!
"I will do everything for you Elise. I want to make you happy and I want you to be my girl." sabi nya at naluha ako ng may kinuha sya sa bulsa nya na nakabox pa. Oh my ghad! Tama ba nasa isip ko? Magpopropose sya? Di pa nga kami eh!
Nagulat ako ng bigla syang lumuhod. Oh my! This is it! Ano bang isasagot ko? Yes I want to be Mrs. Sandoval ganern? Waah! Ano ba?
"Ms. Charmaine Elise Scott will you be my-"
"Yes! I want to be your Mrs. Sandoval!" sigaw ko sabay lahad ng kaliwang kamay ko. Pansin kong nagulat sya at natigil din ang tugtog. Napatingin tuloy ako sa paligid ko at nakita ko si Jake, Prince at Eiji na nagtatakang tiningnan ako at ang lokang si Coleen ay nagpipigil ng tawa. May mali ba sa sinabi ko?
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomanceDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
