Chapter 37 Bestfriend

453 14 0
                                    

Thanks sa new cover maramiakongginagawa :'))

Enjoy Reading :'))

Elise POV

Halos liparin ko na yung daan pagkababa ko pa lang ng sasakyan ni Nathan.

Damn, ngayon lang ako nataranta ng ganito. Bakit ang daming tao ngayon? Siksikan kasi rito ngayon dinaig pa terminal ng bus sa dami. Yung totoo?

Nakarating na ako sa may entrance pero hinarangan ako nung guard.

"Miss passport mo?"

"Wala akong dalang passport. Di naman ako aalis ng bansa, may kailangan lang akong puntahan na pasahero."

"Sorry miss pero hindi pwede."

"Sige na naman manong guard oh, kailangan ko lang makausap yung taong yun!" pagmamakaawa ko. Tumingin ako sa relo ko at damn! 9:55 na!

"Bawal talaga."

"Pero kuya guard, kelangan ko lang talaga."

"Hindi talaga pwede. Ngayon kung patuloy ka pa ring mangugulo riyan ay ipapahuli na kita. Nakakaabala ka na sa ibang pasahero oh!" sabi nya.

"Kuya please!" pagmamakaawa ko pa rin.

"Miss hindi nga talaga pwe-"

"Its fine. Let her in." sabi ni Nathan! Mukhang natigilan naman yung guard at pinapasok na ako. Di pa ako nakakarecover ng biglang hilahin ni Nathan yung kamay ko at hinila ako papasok. "May hinahabol ka diba? Mamaya mo na ako pasalamatan kapag naabutan mo sya." sabi nya. Tumango ako at nagpatuloy na sa paghahanap kay Adrian.

Papatayin ko talaga yung lalaking yun pag nakita ko sya. Nakarating kami sa waiting area at mukhang nakapasok na sa loob yung iba. Madidissapoint na sana ako nang may mahagip ang mata ko at kung di ako nagkakamali ay si Adrian yun!

Hindi na ako nagdalawang isip pa at binato ko sya ng sapatos na suot ko at sapul! Galing kong umasinta. Airmax pa man din tong sapatos ko.

Mukhang napalakas yata ang bato ko dahil kitang-kita yung pagyuko ko ng tamaan ko sya. Napahinto naman sya at tumingin sa likod nya. Mukhang galit sya ng tumingin sya pero napalitan ito ng gulat ng makita nyang ako yung bumato sa kanya.

"King Adrian Delos Reyes! What the hell are you doing? Aalis ka na naman ng walang paalam?!" sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kahit marami pang tao ngayon. Ang mahalaga masapok ko tong Delos Reyes na to!

"Hey maine, magpapaliwanag ako."

"Damn you! Magpapaliwanag ka? Bakit di mo man lang sinabi na aalis ka?! Iiwan mo na naman ako ng walang alam? Kahit kelan talaga sinungaling ka! Bwiset ka!" sigaw ko sa kanya. Di ko na rin mapigilan ang umiyak.

"Hey, hindi sa ganun. Di lang ako nakapagsabi sayo dahil-"

"Dahil ano? Dahil wala akong kwenta para sayo? Tapos ano? Dun ka na rin pala titira sa U.S! Di mo man lang ako nireremind! Bwiset ka!" sigaw ko pa rin dahil naiinis ako! Bwiset na to. Nakatingin lang sya sakin na parang naguguluhan.

"Sa U.S na ako titira? Where the hell did you get that?" parang umurong yung uhog/sipon na sisinghutin ko sa narinig ko. Kadiri.

"Hin..di.. Hindi ka dun ti..tira?" nauutal na sabi ko.

"Ofcourse not. Pupuntahan ko lang si Mom sandali. Namimiss na nya daw kasi ako. Teka nga, saan mo ba napulot yang doon na ako titira sa U.S?" napasimangot na lang ako. Damn! Christian Scott mapapatay yata kita! "Hey tell me, mamimiss mo ko noh?"

"Tse! Tigilan mo nga ako! Bwiset ka!"

"Teka, wala naman akong ginagawa ah?"

"Urghh! Nakakainis!"

"Hulaan ko, nabully ka na naman ni Christian noh?"

"Tse! Whatever!" sabi ko at tinalikuran sya. Naisahan ako ni kuya Chan! Mapapatay ko talaga yung kuya ko na yun, ang lakas ng trip bwiset!

Hinawakan ako ni Adrian sa kamay kaya napatigil ako sa paglalakad. The moment na humarap ako sa kanya ay sinapak ko sya. "What was that for?" reklamo nya.

"Wala! Naiinis lang ako." sabi ko at humalukipkip.

"Teka nga, nagpunta ka ba rito para pigilan ako dahil narealize mo na ako ang mahal mo kesa kay Drew." sabi nya at tumaas-baba yung kilay nya. Tinaasan ko nga ng kilay.

"Ofcourse not! Napagtripan lang ako ni Kuya Christian! Naku talaga, mapapatay ko talaga yun si Kuya. Lakas mang-asar!"

"Haha. Oo na sige na nga." Napatingin naman sya sa likod ko. "Oh? Sino yun? Wag mong sabihin pinagpalit mo na agad si Drew?"

"Adrian tigilan mo ko ha, pwede ba? Sige para matahimik ka ipapakilala ko sayo si Nathan Montenegro nga pala, Nathan si Adrian friend ko." sabi ko dahil nakalapit na rin naman si Nathan samin.

"Ouch. Hanggang ngayon, masakit pa rin pala na malaman na hanggang kaibigan lang ako." sabi nya. Napahinto naman ako dahil dun. Hindi ko mahanap kung ano yung tamang sasabihin ko. "Hey, Im just kidding. Seryoso mo naman masyado. Matagal ko ng tanggap na magkaibigan lang talaga tayo." sabi nya. Hinampas ko nga sa braso. Bwisit na to, inaasar na naman ako.

"Bwisit ka talaga kahit kelan!"

"Haha. Sige I should go now, baka hindi na makatulog si Mom sa sobrang pagkamiss sakin." sabi nya ng marinig na namin na inanaunce na malapit ng umalis yung eroplanong dapat nyang sakyan.

"See you soon. Charmaine Elise Scott." he said as he wave us.

~~~~~~~~~~~~~~

"Salamat sa paghatid. Pasensya ka na kung di natuloy lakad natin." sabi ko kay Nathan pagkababa ko sa sasakyan nya. Pagkatapos kasi ng eksena sa airport ay nagpahatid na agad ako sa bahay. May kailangan pa kasi akong bugbugin ngayon eh.

"Wala yun. Nag enjoy din naman ako." sabi nya nang natatawa.

"Alam mo weird ka rin. Nakakahiya na nga yung ginawa ko kanina sa airport pero nag enjoy ka pa rin." weird kasi talaga nya.

"Its fine. Sanay kasi ako sa mga thrill." sabi nya sabay ngisi. Okay? Weird nga.

"Sige na. Mauna na ako. May kailangan lang akong bigyan ng sapak." Sabi ko. Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Alright. Sige. See you soon." sabi nya at umalis na.

The moment na makapasok ako sa bahay ay hinanap ko agad si kuya Chan. Dumiretso ako sa kwarto nya pero wala sya dun.

"Kuya where's kuya Chan?" tanong ko kay kuya Top ng makasalubong ko sya.

"Umalis na kanina pa. Nagmamadali nga eh."

"What? Saan nagpunta?"

"I dunno." sabi nya at nilagpasan na ako.

Naman! Naisahan ako ni Kuya Chan! Urgh! Nakakahiya pa naman mga pinaggagawa ko sa airport!

Nakakainis!!

U/N:

Sorry sa UD feeling ko Lame,
Anyways, thanks sa new cover maramiakongginagawa I Love it!! :'))

How to Date a Womanizer and Break his HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon