Dark Andrew POV
"Wahahaha.. Pare bagsak ka na naman?" Sabi ni Prince kay Jake.
Mga loko. Saming 4 kasi si Jake lang ang bumagsak.
"Lul. Tigilan mo ko." sabi nya at ininom ang alak nya. Nandito na naman kasi kami sa favorite spot namen.
"Wahaha, alam mo dapat nagpapaturo ka sameng mga gwapo eh. Ay mali pala, ako lang pala gwapo dito. Dapat sakin ka magpaturo tatalino ka na, gagwapo ka pa!" sabi nya at inakbayan si Jake.
"Manahimik ka nga. Pinagsasabi mo? Thanks na lang kung ikaw lang din."-Jake.
"Tol naman. Minamaliit mo naman ako masyado. Di mo ba alam na topnatcher ako sa England?"
"Lul. Alam kong nilandi mo lang yung prof mo kaya ikaw ang topnatcher dun."-Jake.
"Bat alam mo yun? Stalker kita noh?"
"Gag* tingin mo sakin? Manahimik ka na nga lang dyan."
"Tsk..tsk..nga pala nasan si Eiji? Kanina ko pa napapansin na wala sya ah?"-Prince.
"Ewan. Malamang nasa mga libro nya. Alam mo naman yun addict sa libro."-Jake.
"Ah, di na ko magtataka kung wala pang girlfriend yun. Baka pakasalan na nya lang ang mga libro nya."
Di na ko sumisingit sa usapan nila. Wala rin naman akong sasabihin.
"Woah, ang hot." rinig kong sabi ni Prince. Tiningnan ko naman ang tinitingnan nya at babae nga na nagsasayaw sa gitna.
"Oh shit! F*ck!" mura ni Prince.
"Oh, bakit Pre? Sobrang hot ba kaya napapamura ka ng ganyan?"-Jake.
"No. Shit. Si Coleen yun eh. Anong ginagawa ng babaing yun dito? Shit, hinihipuan na sya. F*ck" sabi nya at dali-daling tumayo at hinila si Coleen papunta sa table namin.
"Ano ba? Let me go!" sabi nya at pinipilit makawala sa hawak ni Prince.
"Di kita bibitawan. Umupo ka dyan."
"Sino ka ba ha? Kilala ba kita? Sino kayo?" sabi nya at nilingon kaming lahat. So, di nya pala kami nakilala at mukhang lasing na to. Teka, kung nandito sya edi nandito rin si f*ck!
"Where is she?" tanong ko sa kanya.
"Eh? She? Wala akong kilalang She, shiela meron hahaha!" sagot nya. Tsk. Lasing na nga to.
"Si Elise, where is she?"
"Ha? Elise ba? Teka nasan nga ba yun? Ah! Oo nasa counter. Sino ba kayo? Ano ba kailangan nyo sa kanya?" sabi nya at pinaningkitan kami ng mata.
"Kyaah! Drew? Ikaw ba yan?"
Tumango lang ako sa kanya at tumayo na. Pupuntahan ko yung isang yun. Tiningnan ko lang si Jake at Prince at tumango. Alam na nila kung para saan yun. Kaya na rin ni Prince yan. Sya na maghahatid kay Coleen.
"Bye Drew! Ikaw na bahala kay Elise ha! At ikaw, anong ginagawa mo dito ha? Nambababae ka noh?"
Rinig kong sabi nya kay Prince pagkatalikod ko.
Nagtungo na ako sa bar counter. Agad ko naman syang nakita at mukhang lasing na ang isang yun ah. May sinabi sya sa bartender at tumayo na. Napansin kong napahawak sya sa ulo nya at nung humakbang sya ay agad ko syang sinalo bago pa sya mawalan ng malay pagkalapit ko dito.
"Sir, kaano-ano nyo po sya?" tanong nung bartender sakin. Binuhat ko na si Elise at humarap sa Bartender.
"F*ck off. She's my Girlfriend." sabi ko at tumalikod nya. Ano bang mga pinagsasabi ko?
BINABASA MO ANG
How to Date a Womanizer and Break his Heart
RomantikDARK ANDREW SANDOVAL Mayaman ✔check Matalino ✅ check Ideal Man ✔ check Gang Leader ✔check Dark Prince ✅check Ladies Man ✅ check Lady Killer ✔ check Man Eater✅ check Manstealer ✔ check Womanizer ✅ BIG check CHARMAINE ELISE SCOTT Maganda✔check Mayaman...
