Amara's POV
Anong oras na ba?
Gusto ko nang umuwi.
I took a deep sigh as I glanced at the wall clock hanging on the left side of my office wall.
It's almost 11 pm, another late night at the office.
I was busy reviewing some business documents, nothing exciting, when someone suddenly began knocking at the door.
"Pasok!" Patuloy pa rin ako sa ginagawang trabaho nang marinig ko ang sekretarya ko.
"Ate, nandito po si Ma'am Ria." Napaangat agad ako ng ulo at nakitang papasok ng opisina ko si Ria.
She's my bestfriend ever since we were young. Together through every ups and downs of life, and have supported each other in every endeavour.
Anyway, you're probably wondering kung bakit 'Ate' ang tawag sa akin ng secretary, it's simply because ayaw kong ina-address nila ako na parang mas mataas ako sa kanila. Well technically, yes, mas mataas ang posisyon ko sa trabaho, but we're all working together, so I guess that makes us equals.
Although syempre, 'yung mga employees, 'Ma'am' pa rin ang tawag sa akin kaya hindi ko na mababago 'yon sa kanila.
Nag-bow muna si Tarra as a sign of respect bago lumabas ng office ko, at umupo naman sa harap ng desk ko si Ria.
"Nagpapakabusy ka dyan. Labas tayo, para naman makahinga ka kahit sandali diyan sa mga trabaho mo."
Suhestiyon niya.Aangal pa sana ako kaso, sa tingin ko ay tama siya. Minsan kailangan ko rin magpahinga sa trabaho para ma-refresh ang utak. Nalulugmok na ako sa trabaho para makaiwas sa realidad.
Welcome to my life!
Tumulala muna ako ng ilang segundo sa mga papel na nasa harapan ko bago ako nagbigay ng sagot sa kaniya.
"Sure, sandali lang." I called Tarra and told her to bring the documents to my house para doon ko na lang pag-aralan. She gladly obliged. Para makauwi na rin siya kasi anong oras na pala, hindi ko kasi namalayan sa dami ng ginagawa ko.
"Let's go na. Gutom na ako." Nagmamadaling aya ni Ria kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kami ng opisina.
Pagkababa sa parking lot, kita na agad kung nasaan ang kotse ko. 'Yon ang gagamitin namin dahil hindi naman nagdadala ng kotse si Ria kapag pupunta dito.
"Di ba bukas na ang birthday ni Isabella?"
Muntik ko na matapakan ang preno dahil sa narinig ko.
Birthday niya nga pala bukas. Sa sobrang busy ko sa trabaho, nawala na sa isip ko.
Tumango ako ng dahan dahan. "Oo, I just remembered. Buti pinaalala mo."
It's not that I totally forgot, nako, malalagot ako nito sa kaniya eh!
Maybe my mind just wanted to take a break from the world and everything that's been keeping me awake at night. Para na rin hindi ako laging gising sa gabi kakaisip sa kanya at kaka-iyak tuwing naaalala siya.
"What are you planning to do?" Ria asked while looking out the window.
I sighed. "As usual, magdadala ng bulaklak sa kanya at kakantahan ng birthday song. 14 years ko nang ginagawa 'yun."
14 years na akong naghihirap, 14 years na akong nasasaktan, 14 years na akong hindi buo.
No'ng una naming sinalubong ang birthday ni Isabella na wala na siya, hindi ko kinaya kaya mabuti at nandoon si Ria noon.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023