[December of the current year]
Amara's POV
"Good morning." Alex greeted me when he saw that I'm already awake. He kissed me before I could greet him.
Mornings are like this, everyday. Sweet, cozy, and sometimes silly. Nasanay na ako na magaan ang bawat umaga ko kasi hindi naman ako binibigyan ng sakit ng ulo nitong asawa ko, unless magkaaway kami. Haha!
"Good morning." I greeted with my groggy, morning voice. "What time is it?" Tanong ko sa kaniya. Parang late na akong nagising eh.
"8 pa lang." He replied. I nodded then I sat down so I can fix my messy hair.
Medyo makalat sa kwarto, puro mga suitcases and luggages because we've been packing for our trip. Holiday vacation na kasi that's why napag-usapan na namin nila Ria na magbabakasyon kami. Actually, ngayon ang alis namin. Do'n na kami sasalubong ng bagong taon.
"I already cooked breakfast. Tumulong ako kay Manang." Sabi niya paglabas namin ng kwarto. Lagi naman siyang nagluluto ng breakfast eh, he became an instant cook when we got married. Haha!
"Good morning po!" Calli greeted me and Alex once we entered the dining room.
Lumapit siya sa'kin para humalik sa pisngi ko at yumakap.
"Good morning! Nakapag-pack ka na ba ng dadalhin mo?" I asked her. It will be a one and a half week vacation in Boracay, para makapag-unwind rin at makalanghap ng preskong simoy ng hangin.
"Syempre naman po! Naka-ready na nga po ang mga luggage ko eh!" Masiglang sagot niya.
"Okay, good." Tumingin ako kay Alex at tinapik ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Hon, may clementine pa ba?" Tanong ko habang nagsasandok ng kanin.
"Yes, marami pa sa fridge. 'Di ba, ang dami mong binili no'ng nag-grocery tayo the other day?"
"Baka kasi kinain mo."
Natawa siya. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Edi pinagalitan mo ako."
Nahampas ko siya ng mahina sa braso habang nilalagyan niya ng ulam ang plato ko kaya nagtawanan kami.
~~~~~~~
Calli's POV
"La, sure kayo? Pwede naman po akong sumama sa inyo eh." Kasi pinagpaalam ako nila Mommy na isama sa bakasyon nila.
"Oo naman. Gusto kong makasama mo sila, saka kasama ko naman sila Pretty. Magkikita naman tayo pag uwi niyo eh."
Syempre, magn-new year na kaya uuwi din sila Ate Vera at Ate Lea sa kanila. Pati si Lola, do'n kila Ate Pretty magbabagong taon.
First time kong magbabagong taon na hindi kasama si Lola. Medyo nakakalungkot, pero alam kong mae-enjoy ko rin kasama sila Mommy. Alam ko namang aalagaan nila ako doon.
"Sige po, ingat po kayo do'n ah." Paalala ko.
Tinulungan ko na rin siyang dalhin ang mga damit niya kasi ihahatid na sila ng driver ni Mommy, at kami naman ay gagamit ng ibang sasakyan papunta sa airport.
"Mag-iingat ka rin ah." Pahabol ni Lola habang nilalagay ko ang mga gamit niya sa trunk ng sasakyan.
Nakaalis na ang sasakyan nila at kami naman ang aalis. Hahahaha! Kinuha ko na sa kwarto 'yung isang suitcase ko at backpack saka ako lumabas papunta sa garahe para mailagay ko na sa kotse.
Agad na kinuha sa'kin ni Sir Alex ang maleta na hawak ko. "Let me help you with that." Sabi niya. "Sumakay ka na sa loob."
Pagsakay ko, nando'n na sa tabi ng driver's seat si Mommy at naka-shades na. Hahahaha! Bongga! May sunglass din ako eh, pero mamaya ko na susuotin.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
Roman d'amourLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023