Ria's Idea

18 1 0
                                    

Ria's POV

"Hindi rin kita ma-gets minsan eh. Minsan okay ka na kasama si Alex, minsan hindi. Anong trip mo?" Naguguluhang tanong ko dito kay Amara dahil pagbalik namin dito sa hotel room, binato lang niya sa higaan niya 'yung hat na binigay ni Alex at naghihimutok na naman.

Ang daming hanash sa buhay! Eh kung balikan na lang niya si Alex? Edi less hassle, happy pa siya!

Haha! Syempre joke lang, alam ko namang hindi gano'n kadali 'yon. Lalo na sa pinagdaanan nila, they need to heal completely first...

Unless unahin nila ang harot. Hahaha!

"Wala, naasar lang talaga ako, ewan ko ba." Labas sa ilong niyang sagot.

At sa tingin mo, tatanggapin ko iyang excuse mo? Kilalang kilala kita, Amara, mula sa pinakamanipis mong buhok sa ulo hanggang sa pinakailalim ng talampakan mo!

"Wehhh?? Baka naman..." Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ay nagsalita naman agad siya.

"Baka naman ano?"

Ang sama ng tingin! 'Yung tingin niya, parang kayang kaya akong i-bato doon sa dagat mula dito sa balcony.

"Wala." Sagot ko pagkatapos ay bumaling ako sa kabilang bahagi ng kwarto.

"Baka naman kasi balak mo nang balikan." Bulong ko.

Nakarinig ako ng buntong hininga mula sa kaniya. "Bumulong ka pa, eh rinig na rinig ka naman."

Ay! Akala ko 'di niya maririnig, nakalimutan kong may sa-bampira ang pandinig nito.

"Pero real talk lang ah, hindi naman ako manhid para hindi mapansin na sinusuyo ka na niya ulit." Kailangang prangkahin itong babaitang 'to dahil hindi matatauhan kapag hindi inuntog.

Totoo naman eh. 'Yung sumbrero na binigay ni Alex kanina sa akin, binilhan niya lang din ako para hindi halata na gusto niyang bilhan ng gano'n si Amara. Sabihin niyang hindi!

At kita ko kung paanong dumadalas ang interactions nila, at minsan parang wala nang pader na namamagitan sa kanila kasi komportable silang tingnan sa isa't isa. Para silang frenemies, ganern?

"Walang suyuan at walang balikan na nangyayari. As a friend 'yon, okay? As a friend." Pinagdiinan talaga 'yong word na 'friend'.

Okay, FRIEND! Ang drama mo! Ikaw na nga ang sinusuyo eh!

Aba....kung single lang ako....


Jokeeeee! 'Di ako papatol kay Alex kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo 'no! Kapatid ang turing ko dyan so, no.


"Lagi naman 'as a friend' eh. Paano pala kung 'more than friends' ang gusto nu'ng tao?" Tanong ko.


"Pssh! More than friends niya mukha niya. Kung hindi niya ako niloko noon, edi wala sanang suyuan na nangyayari ngayon."


Boom! Huli! Tumpak!

"AHA!" Patalon akong humarap sa kanya.

"So... inamin mo rin na may suyuan na nangyayari?" Humalukipkip ako at tinitigan siya ng malalim.

Pigilan niyo ako, guys! Baka magwala ako sa sobrang kilig!

"Ab- ummm. H-hindi. I mean, wala. Ano ba? Nag-aayos ako ng gamit dito eh." Utal utal niyang sabi.

Woohooo! Alex, ituloy mo lang ang panunuyo kasi may pag-asa ka! May epekto ka pa rin kay Amara!

"Ahhh, kaya pala kanina mo pa tinitiklop 'yang yellow na damit. Parang pang limang beses mo nang tiniklop 'yan eh."

Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon