Late

22 2 0
                                    

Amara's POV

Days passed by really quickly and before I knew it, it was Thursday morning already. Ngayon ang alis naming magkakaibigan papuntang Boracay.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Nasa punto na nga siya na gusto kong sumuka kasi parang naghahalo halo ang nararamdaman ko sa sikmura.

Nakapag-ayos na ako ng mga bagahe ko kagabi at chine-check ko na lang kung may kulang pa.

Hmmm....mukhang okay naman na. Ni-lock ko ang kwarto ko at bumaba na ako sa sala kung saan naghihintay si Ria.

"Halika na! Excited na ako."

Nagmamadali?

Nakapagbilin naman na ako kila Manang dito kanina kaya pwede na akong umalis.

"Ingat po kayo!" Calli said while waving.

I waved back and smiled at her before getting in the van.

It feels weird leaving the house.

Or leaving Calli?

Basta, it feels like a piece of me is left at home. Baka dahil nga kay Calli?

Naa-attach na ba ako masyado sa bata? Tipong aalis lang ako para magbakasyon pero ayaw ko siyang iwan?

"Huy! Magbabakasyon tayo, para ka namang uuwi sa probinsya dahil undas. Hindi ka ba masaya?" Tanong niya.

Saka ko lang napansin ang suot niya nang titigan ko siya. "Hindi ka masyadong excited ah." Puna ko kasi naka-hat at shades na agad siya kahit nasa sasakyan pa lang kami.

"Hindi naman, hahaha! Let's go!"

~~~

Nakahinto kami dito sa parking ng building ni Alex. Siya na lang kasi ang hinihintay dahil ang plano, sabay sabay kami sa sasakyan nila Ria.

Kaso mahuhuli na kami sa flight, wala pa ring Alex na bumababa sa parking lot.

Tumingin ako sa relo kong nasa palapulsuhan. "Sasama ba 'yun? Anong oras na ah, baka ma-late tayo sa flight." Kanina pa kasi kami nandito at hinihintay siya, sana aware siya.

"Excited ka rin eh." Sabi ni Ria sabay ngumiti ng nakakaloko. "Excited na makita siya. Yieeee!" Hinila ko na lang pababa 'yung sumbrerong suot niya kaya tumakip sa mukha niya.

"Ito naman, nagbibiro lang. Ano ba kasing sabi ni Alex, Lester?" Tanong ni Ria sa asawa.

"Wala pa ngang reply eh." Sagot ni Lester kaya sumandal na lang ako sa upuan at kinalikot ang phone ko. Nakaka-boring naman kung may kasamang ganito sa bakasyon. Nakakawalang gana.

"Ito na! Nag-reply na." Ginulantang ni Ria ang buong sasakyan sa sigaw niya kaya napatingin ako sa phone niya. Hindi ko rin naman mabasa kasi ang likot ng pagkakahawak.

"Mauna na daw tayo do'n. May appointment daw siya, hahabol na lang daw."

Pinakita niya sa akin 'yung conversation nila ni Alex.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon