Amara's POV
It's Sunday and I just woke up. Tulog pa si Alex kaya ako na lang muna ang bumaba sa kitchen. Susubukan ko ulit magluto.
I'm going to cook tuna pasta. Sana lang sumakto 'yung panlasa ko ngayon sa panlasa nila dahil noon, ang alat yata ng mga luto ko. Hahaha!
After cooking breakfast, I made hot chocolate for Calli and coffee for Alex.
While waiting for the water to boil, I heard the door bell ringing outside so I went out to see who it was.
"Sam? Good morning. What are you doing here?" I asked the visitor outside. Lumapit naman siya para magbeso.
"Uhm...may iaabot lang kay Alex." She said while holding an envelope up.
"Oh! Come in muna, tulog pa kasi." Tumabi ako para makapasok siya ng gate, then we both went inside.
"Do you want something to drink?" I offered but she just smiled and shook her head.
"Pasensya na, nagluluto kasi ako ng breakfast for them kaya ang tagal bago ko nabuksan 'yung gate." I told her. Nakatayo lang kami dito sa sala dahil hindi ko alam kung bakit ayaw niyang umupo.
"Awwww! That's cute. No worries naman."
"Why don't you sit first? Gigisingin ko lang si Alex." I was about to climb up the stairs but she prevented me from doing so.
"Hihintayin ko nalang siya. Huwag mo nang gisingin." She said.
Hmm...weird. "Oh. Okay. What's that envelope pala?" Tanong ko kasi 'di ba sabi niya, iaabot niya kay Alex?
"Hindi pa ba nasasabi sa'yo ni Alex?" Tila gulat niyang tanong.
Ako naman itong nalilito dahil sa mga sinasabi niya.
"Uhh, ang alin?"
"Na--"
"Sam, what are you doing here?"
Sabay kaming napalingon ni Sam kay Alex na bumababa ng hagdan.
Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko nang makababa siya.
"Ito 'yung documents. Wala ka daw kasi sa office kaya dito ko na dinala." Inabot ni Sam 'yung envelope kay Alex at sinundan ko lang 'yon ng tingin nang tila walang pag-iingat niya itong hinawakan at itinabi sa gilid niya.
Nagtataka ako kasi pahigpit ng pahigpit ang kapit niya sa bewang ko kaya tumingin ako sa kaniya. "Usap muna kayo? Balik lang ako sa kitchen kasi may niluluto pa ako eh."
Tinitigan niya ako sa mata bago tumango at ngumiti.
~~~
Alex's POV
Nang makaalis sa paningin namin si Amara, hinarap ko ulit si Sam. Paniguradong nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito? 'Di ba sabi ko, huwag kang magpapakita sa akin? Sa mismong bahay ko pa talaga?"
Parang hindi siya tinablan ng inis ko dahil kalmado pa rin siya. "Huwag ka munang magsalita. May nahanap na silang matibay na lead. Posibleng anak na natin 'yung nahanap nila at nandyan sa envelope 'yung details." Pagpapaliwanag niya.
Gusto kong mainis dahil bakit bigla bigla siyang pumupunta dito sa bahay? Si Amara pa ang nagbukas ng pinto para sa kaniya, eh paano kung biglang magsabi 'to ng kung ano ano?
"Pwede ba, tigilan mo 'yang pagsasabi ng 'anak natin' dahil wala ka pang napapatunayan. Palalampasin ko ito, pero huwag ka na ulit pupunta dito sa bahay dahil lang dito, naiintindihan mo?" Pinagdiinan ko ang bawat salita sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023