Calli's POV
"Ang driver na ang magdadala ng mga gamit niyo sa sasakyan." Bilin ni Ma'am Amara.
Sa totoo lang, nahihiya talaga ako. Walang hiya akong tao pero nahihiya ako ngayon. Hindi naman obligasyon ni Ma'am Amara na tulungan kami eh. Hindi rin naman niya kami kaano-ano para tulungan.
"Eh Ma'am, sigurado po ba talaga kayo? Promise Ma'am, ngayon lang talaga ako nahiya ng ganito. Hahahaha!" Dinaan ko nalang sa tawa 'yung hiya ko.
Tumawa siya at hinawi ang buhok ko. "Paulit ulit ka naman ng tanong, and just like what I said earlier, wala 'yun. I'm willing to help dahil natulungan mo rin naman ako."
Hay! Salamat do'n sa naitulong ko kung ano man 'yon. Wala nga akong maalala na itinulong ko sa kanya eh. Maliban sa tinutulungan namin siyang kumain, wala na akong ibang maisip na naitulong ko. Hahahaha!
"Now na po ba Ma'am?" Tanong ko kasi sinasakay na ang mga bag namin sa sasakyan niya.
"Oo sana, para rin makapagpahinga kayo ng Lola mo." Tumango nalang ako at tumulong sa pagbitbit ng mga bagahe. Nakakahiya kung ipapadala namin lahat sa driver.
Tinulungan rin kami ni Ate Pretty sa pagdadala ng bag. Pinasakay ko na si Lola sa backseat para komportable na siya.
"Sige na, Calli ganda, gora na kayo. Ako na ang bahala do'n sa pwesto, huwag mo ng alalahanin. Magpahinga muna kayo ni Lola. Babushhhh. See you tomorrow nalang!" Paalam ni Ate Pretty na may kasamang beso.
"Salamat, Ate. Ingat!!" Isinara na niya ang pinto at sumakay na si Ma'am Amara sa upuan sa harap.
"Sa bahay na po tayo." Narinig kong sabi niya saka pinaandar ng driver niya ang sasakyan.
~~
Medyo mabilis lang naman ang biyahe dahil malapit na raw kami. Pumasok kami sa isang executive village yata? Basta may dinaanan kaming gate na ang gara ng itsura.
Nakatingin lang ako sa bintana habang namamangha sa ganda ng lugar. Ang sosyal dito! Naglalakihan ang mga bahay sa paligid na akala mo, may kompetisyon kung alin ang pinakamataas at malaki. Mukhang napakatahimik rin.
Tumigil ang sasakyan kaya nabalik sa realidad ang utak ko. "We're here! Manong, pakibaba naman po 'yung mga gamit." Sabi ni Ma'am Amara.
Pagbaba ng sasakyan ay napatingin kami sa bahay na nasa harapan namin at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko.
As in O MY GEE!!!!
Nakatulala at nakanganga lang ako sa pagkamangha sa bahay ni Ma'am. Grabe! Prinsesa ba siya? Parang palasyo ang bahay eh! Ang laki!
"Halika na po. Pasok kayo." Aya niya habang dinadala kami sa loob.
Pagpasok sa gate, sinalubong kami ng isang babae na parang kasingtanda lang ni Ate Pretty. "Good afternoon, Ate!" Napatingin siya sa'min at ngumiti. "Ay, may kasama po pala kayo."
"Yes, Vera, this is Manang Carina and Calli. This is Vera, kasama ko po dito sa bahay." Pagpapakilala ni Ma'am sa amin.
"Vera, tulungan mo silang dalhin ang mga gamit sa kwarto ha." Bilin ni Ma'am sa kaniya. Nginitian naman ako ni Ate Vera at tinulungan niya kami sa mga gamit namin.
"Tara, dito tayo." Turo niya.
~~~
Amara's POV
Nandito na sila Calli at Manang Carina sa bahay, kauuwi lang namin. Pagpapahingahin ko muna sila dahil kaninang umaga pa pala sila pinaalis sa bahay. We had a little talk in the car kasi, so nalaman ko ang detalye ng pagpapaalis sa kanila.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023