Calli's POV
Ang sarap palang ka-chikahan nila Ma'am Amara! Madaldal rin pala sila eh! Haha! No'ng una kasi, nahihiya ako kasi nalaman kong CEO pala siya, as in shocked!
Siya pala 'yong may ari ng De Vida Clothings na nakita ko sa Facebook no'ng isang araw. Sinong mag-aakala na makikilala ko siya, 'no? Ang galing lang!
Medyo dumidilim na kaya nagp-paalam na kami sa isa't isa para makauwi na sila dahil baka ma-traffic pa sila sa daan, ang dami pa namang tao ngayong rush hour.
"We have to go na. Thank you for the great conversation, I enjoyed it." Sabi ni Ma'am Amara habang ina-ayos ang bag niya. Ngayon lang siya tumayo mula sa pagkakaupo niya mula kanina kaya mukhang binabanat pa niya ang katawan niya.
"Wala po 'yon. Basta kung kailangan niyo lang pong tumawa, alam niyo na kung saan kayo pupunta." Sabi naman ni Ate Ganda na akala mo ay nagc-commercial ng produkto sa T. V.
Tinapik siya ni Ate Tarra. "Uy next time, hang out tayo besh ah! Bigay ko sa'yo calling card ko para matawagan mo ako, 'tapos bigay mo rin number mo." Naging magbeshy na si Ate Tarra at Ate Ganda, haha! Masyadong nag-enjoy sa company ng isa't isa, same vibes pa sila.
Medyo lumabas na kami ni Ma'am Amara ng pwesto habang nasa loob pa yung mag-BFF. Hahahaha!
"Thank you pala sa time ah, sobra niyo kaming naaliw. Baka nakaabala pa kami." Nahihiyang sabi ni Ma'am sa akin.
Nginitian ko siya. "Sus! Wala po 'yon. Ang saya nga po eh. Basta gaya po ng sabi ni Ate Ganda, kung gusto niyong tumawa, sumaya, alam niyo na po kung sinong pupuntahan ninyo. Lagi naman po kaming nandito eh, always at your service." Ngumiti naman siya sa sinabi ko.
Grabe! Ang ganda talaga niya. Kung hindi ko nga siya kilala, mapagkakamalan ko siyang artista no'ng lumapit siya sa pwesto namin kanina eh.
Saka ang ganda ng mata niya, ang gandang tumitig. Parang ang bait bait niyang tao, parang--
"Sige Pretty, text text nalang ha!" Napalingon kami kay Ate Tarra na nagpapaalam kay ate Ganda.
Lumapit si Ate Tarra kay Ma'am Amara. "Ano po, Ma'am? Alis na po tayo? Tinawagan ko na po 'yung driver niyo." Aya niya rito kaya napatingin ako sa relo ko.
5:54 na, kaya pala madilim na sa labas.
Binaling ko ang tingin ko kay Ma'am, "Naku Ma'am, mat-traffic po kayo niyan! Gora na po kayo! Ingat po!" Pagpapaalam ko sa kaniya.
"Sige, salamat ulit." Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin. Lahat ba ng bago niyang nakikilala niyayakap niya?
Biglang naging awkward no'ng humiwalay siya sa pagkaka-yakap sa akin. Nagulat din siguro siya.
Mga baks, pareho lang kaming na-shock!
"Sige po, ingat kayo." Ngumiti ako habang lumalakad na sila palayo. Hindi ko inaasahang lilingon ulit siya, at kinawayan pa ako.
"Huy!" Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa tenga ko talaga nag-salita si Ate Pretty. "Parang hindi na kayo mapaghiwalay ni Ma'am Amara ah, close na kayo, 'te? Shala mo, may kaibigan kang yayamanin. May ari pa ng kompanya." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Eh ikaw nga may beshy ka na fashionista eh." Pagbalik ko sa kaniya ng sinabi niya.
"Grabe 'no? Ang bait nila. Akala ko nga suplada sila eh. Paano ba naman kasi, nasa tiangge 'tapos naka-formal attire. How to be sosyal?"
Nagulat din ako kanina eh. 'Yon pala, parang nag-survey at nag-observe si Ma'am Amara para sa kompanya nila, research kumbaga. Research na napunta sa tawanan at kwentuhan.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomansaLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023