Amara's POV
"Samantha?"
Her eyes widened, probably because she didn't expect me here? "Amara! What a surprise. Nandito ka rin pala." She greeted me with a huge smile.
"Ah oo. Come inside." Pinapasok ko muna. Ang rude naman kung hahayaan ko lang siya sa labas habang nag uusap kami.
She murmured thanks as I closed the door behind her.
Sinundan ko siya ng tingin kasi...ewan ko, parang ang weird ng nas-sense ko kay Sam.
I mean, parang nag iba siya simula no'ng umuwi siya? She has a weird vibe now.
"Kumusta ka? What are you doing here?" She asked. I motioned for her to sit down kasi parang nahihiya pang umupo sa sofa.
"Okay naman. Sinamahan ko kasi si Alex, may sakit kasi. Ikaw?"
I just noticed na sobrang sexy niya sa suot at ayos niya. Na-concious tuloy ako kasi hindi pa ako nakakapag ayos ng sarili. Ang gulo pa ng buhok ko.
"Okay lang naman. Oo nga pala, may dala akong fruits para kay Alex. Sorry, hindi kita nabilhan ng something, I didn't know kasi na nandito ka." Itinaas niya ang dala niyang fruit basket. "Hindi kasi siya nakarating sa appointment namin yesterday, sabi ng secretary niya, may sakit nga daw siya. So I decided to pay him a visit now." She explained.
Inabot naman niya sa akin ang dala niya at ako na ang naglagay sa kitchen.
"Tulog pa siya eh. Kumain ka na ba?" I asked her from across the room. Magluluto kasi ako.
"Yup, I'm good. Thank you." She sat quietly while looking around the place.
"Pasensya na ha, magluluto pa lang, kakagising lang kasi. Gisingin ko ba si Alex para malaman niyang nandito ka?"
She repeatedly shook her head. "No, no. It's fine, go do your thing, I can wait. Hindi naman ako nagmamadali."
Tumango ako saka ako nagsimulang magluto. Simple lang naman, puro prito lang ang gagawin ko. May leftover rice pa naman from last night, isasangag ko na lang kahit medyo hindi ako marunong. Tantsa tantsa na lang sa lasa, sana hindi isuka ni Alex.
After cooking, I cleared my throat to get Sam's attention who was patiently waiting the whole time. "I'll just check on Alex. I'll be right back." I excused myself, and she nodded in response.
Pagpasok ko sa kwarto, gising na si Alex at inaayos na ang pinaghigaan niya.
May I just say that he looks adorable in his blue, matching jammies?
Sumandal ako sa pinto at pinag-krus ang mga braso. "Mukhang okay ka na ah." Puna ko. Mukhang nagulat siya nang marinig ako. Lumingon naman siya sa akin sabay ngiti.
"Akala ko umuwi ka na hindi nagpapaalam. I got sad."
Nagpigil ako ng ngiti kasi ang drama! "Ito naman! Pwede ba 'yon? Syempre hindi ako aalis na hindi ako nagpapaalam sa'yo, 'no. Nagluto lang ako, na-miss mo na agad."
Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. He's still a bit hot, pero mas mababa na ang temp kesa kahapon.
"Thank you." He said.
"For what?"
Grabe ha! Kung makayakap, akala mo ang tagal naming hindi nagkita.
Of course, I hugged him back. Kilig naman kayo?
"For being my doctor, nurse, chef, lahat lahat."
"Sus! Magaling ka na kaya nambobola ka na ulit, 'no?" Kantyaw ko at sinubukan ko siyang kilitiin sa tagiliran kaya napaiwas siya habang tumatawa ng malakas.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023