Amara's POV
Kakagaling ko lang sa dinner kasama sila Calli. Sobrang saya kanina, and who knew na pareho kami ng paborito ni Calli?
Nagm-maneho na ako pauwi at medyo binibilisan ko dahil ang kalsadang dinaanan ko ay malimit na may tao. Parang kalsada ng ghost town, gano'n. Parang shortcut kasi ito kaya dito na ako dumaan.
Dalawa lang kaming kotse ang nandito, may isa sa harapan ko at ako naman obviously, ay nasa likuran niya.
"Shocks!!!" Nagulat ako dahil biglang huminto 'yong kotse sa harap. Buti na lang ay napa-preno agad ako!
Bumaba ako ng kotse at pagbaba ko ay sakto rin naman na bumaba 'yong driver ng kotse sa harap ko. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha, pero pamilyar ang itsura niya, ang hubog ng katawan niya. Loko! Basta basta na lang humihinto! Dalawa na nga lang kaming sasakyan dito, makakadisgrasya pa siya!
"Pasensya na, Miss, kasalanan ko. Ang lawak lawak ng kalye hindi ako--" Nag-angat siya ng tingin kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat at ganoon rin siya. "Amara?"
"Alex?" I accidentally blurted out.
What in the actual--
We're both in a state of shock!
Pambihirang pagkakataon naman oh!
Sino ba naman kasi ang mag-aakala na dito pa kami magkikita? Sa madilim na kalsada na halos walang dumadaan.
"I'm very sorry. Okay ka lang ba?" I'm still standing here, shocked with the twist of events, not knowing how to react.
This is very unexpected.
"I-I'm fine, it's okay. Mag-iingat ka na lang next time." Bakit ako nauutal? Umayos ka nga, Amara!
Bumalik na ako sa kotse ko at sinubukan itong paandarin pero ayaw mag-start ng makina.
"What the hell?"
Mag-start ka, please? Magstart ka na, my beloved car, please?
I let out a long and loud sound of frustration when the car failed to start. Nahampas ko na lang ang manibela ko sa inis.
Pinaglalaruan ba ako ng mundo? Sa lahat ba naman ng pagkakataon, sa lahat ng lugar na pwedeng masiraan ng kotse, dito pa talaga?
Sinubukan ko pa ng isang beses pero ayaw talaga kaya kinuha ko na ang phone ko mula sa bag at bumaba ng kotse. Wala pa naman halos na sasakyan o tao na dumadaan dito.
"What happened?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil akala ko, umalis na siya. Nandyan pa pala.
My goodness! Destiny, or nang iinis lang talaga?
Huh? Destiny ka dyan?!
"It's nothing." I nonchalantly answered his question while I'm trying to contact my driver, kaso walang signal dito, medyo ma-puno dito sa lugar na ito eh. 'Di ko nga alam kung bakit dito ako dumaan.
"Sira ba 'yong kotse mo? Maybe I can help?" Alok niya.
Tututol na sana ako pero hawak na niya ang toolbox na mula sa compartment ng kotse niya.
Humalukipkip ako at umiwas ng tingin. "Hindi naman na kailangan. Kausap ko na 'yong driver ko." I just said para tigilan na niya ako. Bigla naman niyang kinuha ang phone ko at tinignan ito. "Hey!" I yelled at him.
He showed me my phone screen. "No service, no signal. So, paano mo nakausap ang driver mo?" Hinablot ko pabalik ang phone ko at siya naman itong yumuko na mukhang nagp-pigil ng tawa.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023