Alex's POV
I've been waiting for Amara here at the beach for a few minutes already. Kanina pa ako nakatanaw kila Ria at Lester na medyo malayo na sa dalampasigan. They're having fun...good for them.
Ugh, I really hope she received my gift. Pinaabot ko sa hotel staff kasi baka hindi tanggapin kapag ako ang nag-abot.
Even though I can clearly see how she's avoiding me, I'm still hopeful because I can still feel her. I can feel that there's still a chance of reconciliation for us, lalo na ngayon at kinakausap na niya ako ng maayos katulad kagabi.
Napapangiti tuloy ako kapag naalala ko ang nangyari kagabi. Even though it was an accident, the feeling of her skin against mine sparked a thousand nerves in me. Siya lang ang nakakagawa no'n sa'kin. 'Yong simple hawak lang niya sa'kin, it calms me so much, but at the same time also makes me nervous.
"Amara!" Sigaw ni Ria kaya lumingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.
I saw her walking towards us in slow motion...like in the movies.
Hindi ako makapaniwala, she's wearing my gift! Akala ko hindi niya gagamitin.
"H-hi." I greeted her when she stopped in front of me.
What's the matter Alex? Bakit ka nauutal? Tsk!
She just smiled and looked out to the beach.
My eyes gazed from her face down to her outfit.
Ang ikli ng cycling shorts! Ang puti puti pa naman ng binti at hita, pagtitinginan 'to ng mga lalaki. Tsk!
"Magpalit ka." Utos ko.
Tumaas ang mga kilay niya nang lumingon siya sa'kin. "Sorry?"
"Magpalit ka." I repeated.
Her brows furrowed. "Bakit? Ano bang masama sa suot ko?" She asked while looking at her outfit.
"Masyadong maigsi 'yung shorts mo."
Natawa naman siya sa sinabi ko. I'm serious, Amara Claire. I don't want other men looking at your legs. Baka makasapak ako kapag may tumingin sa binti mo.
"Duh! Kaya nga shorts eh, saka ito na 'yung pinakamahaba kong cycling shorts." Katwiran niya.
Mahaba na 'yan? Eh hindi man lang nangalahati sa hita niya eh. Parang 1/4 lang ang na-cover-an.
"May dala ka bang leggings? 'Yun na lang ang i-suot mo."
Kumunot naman ang noo niya at napakamot sa ulo. "Bakit ba?" Naiirita na siya sa akin sa tono ng pananalita niya.
"Basta, sundin mo na lang ako." I firmly said.
Padabog naman siyang lumakad palayo na nakahalukipkip. She hates me so much more now, and it's making me smile for some reason.
After a few minutes, she came back wearing a pair of leggings. That's much better.
Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang lukot. Inis na nga 'to.
"Huwag kang sumimangot. 'Di bagay sa'yo." Sabi ko. Hindi na siya sumagot at sa halip ay pumunta na lang siya sa kung nasaan sila Ria.
~~~~
Amara's POV
Nanggigigil ako! I hate him! Ang sarap niyang buhusan ng salt water sa mata! Nakakainis!! Pakialamero!
Naiinis ako sa kaniya ng sobra kaya dumiretso na lang ako dito kila Ria at nilagpasan siya.
Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ko siya sinunod? Ang loka loka lang?
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023