Bad Mood

27 3 0
                                    

Calli's POV

Productive ang araw namin ngayon kaya hindi ko namalayang gabi na pala. Puro lang kami kwentuhan ni Ate Pretty tungkol sa kung ano anong bagay.

"Describe mo 'yung bahay."

Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa bahay ni Ma'am Amara. Bakit daw hindi ko pinicture-an para makita niya? Duhh, nakakahiya kaya!

"Basta parang palasyo, 'tapos may pool saka malawak na garden. As in 'yung banyo lang nila parang buong bahay na namin." Exaggerated na kung exaggerated, pero sa gano'ng paraan ko lang mai-dedescribe kung gaano kalaki ang bahay ni Ma'am.

"Oh? Ilan kayo do'n?" Tanong ni Ate bago sumubo ng cheesestick.

"Hmmm...apat....lima." Pagbibilang ko. "Lima kami. Kaming dalawa ni lola, 'yung dalawang kasambahay ni Ma'am Amara at saka siya."

Medyo kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko?

"So single si Ma'am Amara? Walang anak, asawa? Walang pamilya?"

Alanganin pa sana ako sa isasagot pero mukhang tama nga siya. Wala naman akong nakitang lalaki doon na pwedeng maging asawa niya at wala rin namang bata na maaring maging anak niya.

Oo nga 'no?!

Eh baka wala lang sa bahay?

"Oo yata." Jusko! Ang haba pa ng diskusyon namin ng sarili ko, 'oo yata' lang rin pala ang isasagot ko.

Ngumuso siya. "Lungkot no'n, parang wala lang siyang inu-uwian sa bahay."

Agree naman ako sa sinabi niya.

"Ang tahimik nga sa bahay niya eh." Dagdag ko pa.

Napabalikwas ako ng upo. "Teka, bakit po ba natin pinag-uusapan si Madam? Dapat magsara na tayo kasi malayo pa ang uuwian ko. Naks!"

"Oo sige, sandali lang. Ubusin ko lang itong pagkain ko."

Puro lang talaga kami kain dito eh.

~~~

After ng mahaba habang biyahe...joke lang, mga 15 minutes lang naman. Nakarating na ako sa village pero maglalakad nalang ako papasok sa loob. Wala naman akong choice eh. Hahahaha! Wala naman kasing mga tri-bike o tricycle na nag-aabang sa labas nitong village dahil puro mga naka-sasakyan ang mga nakatira dito.

Habang naglalakad ako ay 'di ko maiwasang mapatingin sa mga bahay sa paligid ko. Ang gaganda, lalo na kapag gabi kasi maliwanag sa loob.

Mga mansyon na 'to eh, hindi lang basta bahay! Grabe!

Balang araw, makakapagpatayo rin ako ng sariling bahay! 'Yung mas malaki pa sa mga 'yan, 'tapos dadalhin ko si Lola sa iba't ibang lugar at bibilhin ko lahat ng gusto niya.

Hay! Sipag at tiyaga lang, Calli! Yaka mo 'yan!

~~~~

So ayon, pagkatapos ng ilang tumbling at kembot, nandito na rin ako, sa wakas! Pagka-doorbell ko ay agad na binuksan ni Ate Lea ang pinto.

"Good evening! Nandyan na po si Ma'am?" Bati ko.

"Good evening. Nandyan na, pero nagdire diretso sa kwarto niya. Hindi pa bumababa mula no'ng dumating." Pagpapaliwanag niya habang nil-lock 'yung gate.

"Anong oras po ba siya dumating?" Tanong ko 'tapos humarap sa akin si Ate Lea.

"Mga alas otso."

Tumingin naman ako sa orasan ko. 9 na ng gabi eh. Isang oras na siyang hindi bumababa?

Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon