Amara's POV
"Ma'am?"
Natulala ako kay Calli.
"Yes?"
"Parang tulaley kayo eh." Puna niya.
I smiled and slowly shook my head. "Wala lang. May naisip lang ako." I told her before I took a sip from my hot chocolate.
"Ayieeeee! Isa po ba 'yan sa mga manliligaw niyo?" She teased while wiggling her eyebrows up and down.
"Thank youuu! I love you."
Shocks! Calli! Naalala ko na naman.
Why? Why do you have to say that? Nakalimutan ko na eh. Calli namannnnn....
"Hindi 'no." I denied as I took another sip of the coffee--I mean hot choco.
"Sige po, sabi niyo eh. Pero question lang po, Sir Alexander o...Sir Wilson?" Parang nag-hesitate pa siya na banggitin ang pangalan ni Wilson. Hahahahaha!
"Syempre, Alexander." Wala sa sarili kong sagot.
Nagtititili naman si Calli ng tahimik, 'yung impit na sigaw, saka ko lang na-realize ang sinabi ko.
Amara!!! 2 points ka na! Ano bang tumatakbo sa isip mo?!
"I-i mean as a friend, mas gusto kong maging kaibigan si Alex." Humigop na naman ako ng inumin para matakpan ang mukha ko. Sunod sunod na ang pag-inom ko, baka bigla akong maihi.
"Wala na pong bawian! Nasabi niyo na po eh. Hahahaha! Wala naman po akong pagsasabihan, sa atin lang." Sinubukan niyang magseryoso pero biglang ngumiti at tinakpan na ang bibig gamit ang kamay. "Yieeeee! Parang teenagers!"
Kung hindi lang ako nacucute-an dito kay Calli, ay nako!
"Wala lang ako sa sarili kanina, okay?" I disclaimed.
"Ma'am, alam niyo po ba na kapag wala sa sarili ang isang tao at tinanong siya, 'yung iniisip niya ang una niyang isasagot. Kyahhhh!! So iniisip niyo po si Sir Alex!"
Kilig na kilig na siya, wala na akong magagawa. Mukhang mapagkakatiwalaan ko naman itong batang ito, 'no?
"Calli, can I ask a question?" I whispered as I leaned my body towards her side of the table.
"Sure po, basta 'wag lang math." Sabi niya.
Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Paano mawala sa isip ang kanina mo pa naiisip?" Alam kong magulo ang tanong ko, pero baka lang matulungan ako ng batang 'to.
"Yiee! Ano po ba 'yung gusto niyong mawala sa isip niyo?" She asked then she took a sip from her drink.
'Di ko alam kung sasabihin ko ba o ano. Mababaliw ako kapag hindi ako nakahingi ng advice. Eh kapag si Ria ang sinabihan ko, habang buhay na ako no'n aasarin.
"Kasi...ano...." Umirap ako at pinag-igting ang mga ngipin. "Arggh!!" Naghihintay lang siya sa sasabihin ko habang ako naman ay hirap na hirap sa sasabihin.
"How should I say this? Uhm--- I.... I accidentally said 'I love you' to...to Alexander." Then I rested my head on the table in embarassment.
I heard nothing so I lifted my head up and I saw how Calli's eyes widened before she suddenly started jumping.
"Ma'am!! My goodnesssss!!!"
"Maupo ka nga." Lalo akong naa-awkwardan eh.
"Hindi naman sinasadya, nasabi ko lang." Pahabol ko.
Totoo naman, bigla ko na lang nasabi 'yun, but that doesn't mean anything.
Tumigil siya sa pagtalon at naupo na ulit. "Hmmm...kung hindi niyo naman po sinasadyang sabihin, e di dapat kalimutan niyo na lang po." Payo niya.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023