Fun

20 1 0
                                    

Calli's POV

It's a new day na naman po, mga ka-baranggay! Kamusta naman kayo dyan? Busy ang lola niyo dahil as usual, pupunta ako sa pwesto, kailangang kumilos kilos para sa ikagaganda ng kinabukasan!

"Oh heto, para hindi na kayo bumili ng pagkain sa labas." Bilin ni Lola sabay abot sa'kin ng dalawang packed lunch.

So... mahahalata niyo naman sa mga words ni Lola Carina na nalaman niyang muntik na akong mabangga kahapon. Alam niyo bang na-sermonan pa kami ni Ate Ganda kagabi? Imbes na uuwi na siya, eh muntik pa siyang mag-overnight dahil kay Lola....at dahil na rin sa'kin, hehe!

"Tenk yu, La. " Kiniss ko na siya sa pisngi at lalabas na sana pero alam kong may pahabol pa 'yan kaya naghintay ako sa pinto.

"Mag-iingat ah. Kapag may ganyan pa ulit na nangyari, hindi na kita pagb-bentahin sa pwesto." Babala niya. Lagot!

"Opo. Mag-iingat na po, promise! Ingat din po kayo dito." Pagkatapos ng paalaman ay lumabas na ako ng bahay.

~~~~~~~~~~

Pagkarating ko sa pwesto ay nando'n na si Ate Ganda na kasalukuyang kumakain ng siopao. Hmm! Nag-crave tuloy ako! Siopao asado!

"Good morning." Bati ko sa kanya, para naman masaya ang umaga niya kasi nakita niya ako. Hahaha!

Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin bago bumalik sa panonood ng K-Drama sa cellphone niya. "Good morning. Kain ka dyan. May siopao saka tinapay na may cheese." Impit siyang tumili, baka dahil sa pinapanood.

"Shala! Siopao at cheese bread na ah." Pinatong ko sa mesa 'yong lunch bags. "Ito, may pinabaon din si Lola. Huwag na daw po tayong bumili sa labas hahaha."

"Ikaw kasi eh!" Pabirong paninisi niya.

Nang makaupo na ako ay sinimulan ko nang lantakan ang cheese bread. Kumain naman na ako ng agahan pero gutom pa rin ako eh. Ganyan talaga.

~~~~~~~

Kanina pa ako naka-tayo sa harapan ng tindahan para makahagilap ng customers, kasi minsan tumitingin lang 'tapos aalis na. Hindi dapat! Dapat mag-stay sila!

"O, mga Ma'am, Sir, bili na po kayo ng t-shirt, dress, kung ano man po ang kailangan niyo, nandito 'yan sa aming pwesto!" Ginawa kong pa-tula ang pagsasalita para maka-invite ng mga mamimili.

Ang ibang napapadaan ay napapangiti dahil sa pag-tula ko, at ang iba naman ay napapahinto para tumingin ng damit.

Maya-maya pa ay nagdatingan na ang mga customers kaya naging busy na kami ni ate Ganda sa pagb-benta. Heto ang favorite type ko ng pagka-busy! 'Yung may money! Hahaha!

"Iba talaga ang taray ng hair mo, Calli! Nagdadatingan ang mga customers 'pag ikaw ang nakikita." Natawa naman ako sa hirit ni Ate Ganda. Binola pa ako, baka gustong magpalibre ng halo halo sa karinderya ni Nanay Soleng.

"Try mo, tayo ka dyan sa harap ng pwesto tapos sabihin mo 'Gaganda at gagwapo ang bibili ng damit namin. '" Pagm-mentor ko sa kaniya.

Paulit ulit naman siyang umiling. "Ih! Ayoko nga. Ikaw lang naman ang magaling mag entertain ng customers eh."

Actually, hindi ko rin alam kung paano ako natuto sa pagm-market ng mga damit. Dahil na rin siguro lagi akong sumasama sa pagb-benta kahit no'ng bata pa ako.

Well, busy na si Calli. I'll talk to you later again!!

~~~~~

Amara's POV

"Ate, na-cancel ko na po 'yung mga appointments niyo from 1 pm onwards." Tarra informed me.

I lifted my head up from staring at my laptop so I can look at her. "Sige, magprepare ka rin mamaya dahil sasama ka." 

Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon