Calli's POV
Ang sarap ng tulog ko! It's my first morning as a sixteen year old!
Pagbangon ko, agad kong tinignan kung anong oras na sa phone ko. 5:45 pa lang pala, medyo maaga pa pero mas okay na bumangon na ako para maganda ang simula ng araw.
Naabutan kong nagliligpit si Lola ng hinigaan niya kaya binati ko siya ng 'good morning' at tinulungan ko na sa pagliligpit.
Paglabas ko, medyo nagtaka ako kasi ang bango sa kusina.
May nagluluto? Hindi naman si Lola dahil nando'n pa siya sa kwarto. Sino kaya 'yon?
Uy! Si Sir Alex? "Good morning, Sir. Bakit po kayo ang nagluluto? Tulungan ko na po kayo."
Grabe naman, ang aga gumising ni Sir Alex! Nauna pa yata sa tilaok ng manok. Siya pa ang nagluluto.
Lumingon siya sa'kin ng mabilisan at ngumiti. "Okay na ito, matatapos na. Patulong na lang mag-set ng table." Sabi niya habang nilalagay sa isang plato 'yung bacon na piniprito niya. Sumaludo naman ako saka ako kumuha ng placemats.
"Good morning." Narinig ko habang nakayuko ako at nag aayos ng mesa. Si Ma'am Amara pala.
"Good morning po!" Bati ko pabalik.
"Good morning." Bati ni Sir nang madaanan siya papunta sa mesa.
"Talagang naka-apron ka pa ah." Puna ni Ma'am habang nakahalukipkip at nakatingin kay Sir.
"Ganyan talaga. Ako ang chef niyo ngayong umaga eh."
"Siguraduhin mo lang na masarap yang luto mo ah."
Wahhh!! Ang cute nila mag-usap! Para silang mag-asawa!
Grabe! Parang may pyesta sa dami ng pagkain. Inaya din nila sila Ate Vera na sumabay na kumain pero tumatanggi. Hahahahaha! Gusto ko din sana tumanggi kaya lang pinilit na ako ni Ma'am.
Sayang kasi moment na sana nilang dalawa. Ewan ko ba kay Ma'am, favorite akong gawing third wheel.
~~~~~~~
"Alis na po ako." Pagpapaalam ko habang sinusuot ang sandals ko.
"Wait! Calli!" Lumingon ako sa hagdan kasi hinahabol pala ako ni Ma'am.
"Sumabay ka na...sa amin." Dugtong niya.
Si Sir Alex naman kalalabas lang galing sa guestroom dito sa baba.
Uyyyyyy! Sabay silang papasok sa trabaho!
"Sure po kayo?" Paninigurado ko.
Ito namang dalawang ito, ginagawa akong chaperone! Pwede naman na silang dalawa na lang ang sabay umalis. Silang dalawa lang sa kotse, gano'n. Mag-moment sila. Hahaha!
"Oo, para hindi ka na mahirapan sumakay."
Dahan dahan akong tumango habang palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
Lalabas na sana si Ma'am pero nagsalita si Sir. "Sandali lang." Habol niya dahil inaayos niya pa ang necktie niya.
Si Ma'am Amara naman, mukhang naiinip na kasi tingin ng tingin sa wristwatch niya.
Umirap si Ma'am sa hangin saka ibinaba ang bag sa sofa. "Tsk! Ako na nga. Ang tagal mo." Nilapitan niya si Sir at siya na mismo ang nag-ayos ng necktie, pati na rin ng kwelyo nito.
OMG!!! Is this real?! Kyaaahhhh!
Pumunta ako sa sulok kung saan hindi nila ako mapapansin saka ako nagtatatalon habang nakatakip ang kamay sa bibig ko para hindi makatakas ang tili ko.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023