Amara's POV
Naalimpungatan ako dahil sa kumakatok sa pinto ko. Baka si Calli.
Eh ang aga pa ah! Parang mags-sunrise palang.
"Come in!" I groggily yelled. Para akong lasing na lasing sa antok, ni hindi ko maidilat ang mga mata ko.
Narinig ko lang na bumukas ang pinto pero walang nagsasalita.....
~~~~~
Sobrang liwanag! Sinong nagbukas ng blinds?!
I turned to the other side to avoid the sunlight beaming on my face then I reached for my phone on the nightstand.
6:30 A. M. palang. Maaga pa.
Hmmm....parang hindi tumawag si Alex ah? Lagi 'yon tumatawag sa umaga eh.
I just shrugged it off and got up from the bed.
Habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko na parang ang daming tao sa kusina? Mga nagk-kwentuhan saka nagtatawanan.
I saw someone walking out from the dining room to the living room and it took me a minute to realize that it was Alex.
What's he doing here at this early hour??!
I held on to the staircase railings, panicking whether I should go back to my room and freshen up first or what.
My eyes widened in panic when he averted his gaze towards me. "Amara! Gising ka na pala!"
Goodness, hindi pa ako nakakapag-toothbrush, ni hilamos, wala!
Tatakbo na sana ako paakyat pero bigla akong nahila ni Alex pababa ng hagdan. "Oh? Breakfast na. Saan ka pupunta?" Tanong niya habang nakakapit sa braso ko.
Iniiwas ko ang mukha ko mula sa kaniya. "Mag aayos lang ako. Nakakahiya, hindi ka nagsabi na pupunta ka ng maaga." I gave him a frown but he just cupped my cheeks and stared at me. Lalo tuloy akong nac-concious sa itsura ko, pati nga buhok ko magulo eh.
Hindi na kasi ako sanay na nakikita niya ang bare face ko. It's been so long, saka fresh pa ako no'ng mga panahong 'yon!
Bumaba ang mga braso niya sa bewang ko at ipinulupot niya 'yon doon.
"Hindi mo na kailangang mag-ayos." Sabi niya habang nakatitig sa'kin. Kakagising ko lang, umaandar na naman ang ka-cheesy-han niya.
"As if naman hindi ang magandang mukhang 'yan ang nakikita ko tuwing umaga noon." Hirit niya kaya hinampas ko agad ang kamay niya.
"Nakakainis ka! Sandali, mabilis lang talaga." Sinusubukan kong alisin ang pagkakapulupot ng braso niya sa'kin pero ayaw talaga akong bitawan! Lalo pa akong hinapit palapit sa kaniya.
He kissed the tip of my nose, making me giggle. Nakakainis! Dapat mag-aayos pa ako eh.
"Let's eat breakfast first. Come on." Ibinitaw niya ang mga braso niya pero hinawakan naman ang kamay ko at dinala ako sa dining room.
He then pulled a chair for me kaya umupo na ako, no choice eh.
Nab-bother ako! As in kung anong itsura ni Anna sa Frozen paggising niya, gano'n ang itsura ko. Ni hindi ko alam kung anong amoy ko.
"Good morning po." Bati ni Calli na nakapantulog pa. Napakaaga naman kasi pumunta ni Alex!
"Good morning. Upo ka na."
~~~~~~~~~
Calli's POV
"Ingat po." Pahabol ko bago isara ang pinto ng kotse ni Sir Alex. Siya ang naghatid sa'kin sa school at ang maghahatid kay Mommy sa office.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023