Amara's POV
Palabas na kami ni Ria ng restaurant dahil nga unexpectedly, nakita namin si Alexander, my ex-husband.
Then all of a sudden, natapunan naman ako ng juice ng isang batang babae sa labas, sa may entrance. It was an accident naman, I don't blame her.
And plus, why would I blame her if she's so cute and pretty? Parang ang hirap namang magalit sa ganitong mukha kahit na sinadya niya. Haha!
"Ma'am, pili na lang po kayo dyan ng gusto niyong suotin." Naglabas siya ng dalawang naka-plastic pa na damit mula sa bag niya at ipinakita sa akin.
"Okay lang talaga." Pagpupumilit ko habang pinupunasan ko ang damit ko at sunod-sunod namang inaabutan ako ni Ria ng tissue. Tumutulong na rin siya para mabilis mapunasan ang damit ko pero mukhang hindi naman 'to madadaan sa punas. Nag-mantsa na eh.
"Hay naku, Ma'am, pili na po kayo. Wala pong bayad, promise. Ito na lang po ang pang-sorry ko. Hehehe."
Napatingin ako kay Ria at sumesenyas siya na tanggapin ko na. Hindi ko rin naman matanggihan ang kakulitan ng batang ito. Kulit na cute. Ang taba pa ng pisngi at singkit ang mga mata!
"Sige na nga." I finally gave in and chose the blue-colored t-shirt.
When I reached for the t-shirt, my hand accidentally touched hers and I can't explain why my heartbeat suddenly began racing with our accidental contact.
I stared at our hands for quite a while, confused as to why I'm being like this.
"Great choice, madam. Bagay 'yan sa inyo."
I snapped back when she spoke. Luminga siya sa loob ng restaurant sabay tingin sa'kin. "May CR po yata sa loob, do'n na po kayo magpalit."
I nodded slowly while keeping my eyes on her. Eventually, I had to avert my gaze because she might get weirded out.
She's very nice. Kung ibang tao 'yan, baka ako pa ang sisihin sa pagkatapon ng juice.
Pumasok ako sa loob at dumiretso sa restroom para magpalit ng damit.
Hmmmm...maganda itong damit ah. Kahit na t-shirt lang, malalaman mong maganda ang quality. Malambot ang tela at presko sa pakiramdam.
I tucked it in my denim pants para bumagay sa'kin.
Paglabas ko ay nando'n pa rin si pretty girl na makulit, katabi ni Ria. "Wow! Bagay na bagay, Ma'am. Tamang color lang." Komento niya habang pumapalakpak.
Tinignan naman namin siya ni Ria at natawa na lang kami. I know we're both thinking the same thing: she's too adorable!
"Sorry po pala kanina, Ma'am, ah. Hindi po kasi ako nakatingin, nasa tapat po pala ako ng entrance. Hehehe. Peace po!" Alam kong paulit ulit na ako pero, she's so cute! Nag-peace sign pa siya. Mukha naman siyang mabait, binigyan pa ako ng libreng damit.
Ngumiti ako habang nagpipigil na kurutin ang pisngi niya. "Ayos lang 'yon. 'Di mo naman sinasadya. Ano nga pa lang name mo?" I asked her.
She straightened her back like a soldier. "Calli po. Callissa Montes at your service! Kayo po?" She cheerfully said.
Calli....
"I'm Amara. Amara Claire De Vida and ito naman ang friend ko, si Ria." Tinuro ko si Ria at bumati naman siya. "Hello!"
Her name is Calli...
I haven't met her yet, but she's so familiar...
"Hello po! Hehe. Ay sandali lang po, magkano po pala 'yung damit niyong nabasa kanina? Babayaran ko na lang po." She looks worried but still wants to help.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
Любовные романыLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023