Amara's POV
Today is Monday, weekend getaway is over. Another office day.
Pero kahit tapos na ang weekend getaway, nandoon pa rin ang utak ko.
Paanong hindi 'yon mawawala sa utak ko, eh ramdam ko pa rin 'yung halik ng lalaking 'yon hanggang ngayon! Grrr! I want to say so many bad words right now!
At isa pa, if he really couldn't help himself, sana hindi niya ako in public hinalikan! Jusko! What happened to intimacy and privacy?
So ayon, to take my mind off of things, I still got up this morning to go to work. Ang daming deadlines kaya very hectic now sa office. Okay na rin ito, at least, mad-divert ang utak ko sa mga bagay bagay.
"Good morning, Madam! Here's your daily coffee." Pinatong ni Tarra sa mesa ko ang kape at pinasalamatan ko bago siya lumabas ng opisina.
After a few minutes of scanning, I finished the stack of papaers in front of me. To save time while we're waiting, I called Tarra in the office to help me plan a birthday party for a very special girl.
"Actually Ate, may nakuha na po akong catering service at mabuti, naisingit po tayo sa schedules nila kahit super last minute. From Corrine's Kitchen po ang services. Nasa website po 'yung food packages and sobrang accomodating po nila sa mga clients." Si Tarra na kasi ang pinag-asikaso ko dahil alam naman na niya ang gagawin.
Tinignan ko ang website nila kung saan nakalista ang mga packages, and these are great deals! Maganda rin ang reviews ng former and current clients.
Biglaan kasi itong naisip kong simpleng birthday treat for Calli. Last week ko lang din naman nalaman na birthday niya bukas. Oh edi ngayon, last minute birthday planning kami. Hahaha!
"Okay, good. Uhm..'yung pinacontact ko sa'yo na magg-guest bukas?" I asked her.
"Ay, na-contact ko na rin po 'yong manager ni Miss Luna Bustamante. May schedule na po tayo sa kaniya, tomorrow afternoon." She mentioned so I nodded my head.
"Ganito, you're going to shop together for her school supplies tomorrow, then diretso na kayo sa bahay for the surprise." I recapped.
"Mga anong oras po?"
"Siguro, 11:30 AM, pumunta na kayo sa mall. Then kailangan before mag 3 PM, makauwi na kayo." Tumango siya sa sinabi ko at nag-take notes sa tablet.
"Ate, pwede pong magtanong?" Tumango ako habang nakayuko at pumipirma sa dinala niyang mga documents.
"Bakit parang sobrang special po sa inyo si Calli? Alam ko naman po na mabait siyang bata, pero parang sobrang close niyo po sa kaniya. Naaamaze lang po ako sa mga ginagawa niyo para sa kaniya."
I stopped and looked at her, playing with my pen while thinking of an answer. Kahit ako, hindi ko rin maipaliwanag eh.
"I guess it's one of those moments na you just become so attached to someone kahit pa hindi kayo matagal magkakilala. 'Yun bang, magaan ang loob namin sa isa't isa? I don't know, that's how I feel." I told her.
"Awwww. Sobrang sweet niyo, Ate. Kaya lang, wala ba kayong makakasama sa ka-sweet-an na 'yan?" Nag-iba ang tono niya, naging mapang-asar kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
"Wala." I slammed her then I rolled my eyes. Natawa naman siya at tumayo na.
"Sige po, see you later. Hahatid ko lang po itong designs sa 3rd floor." Tumango ako at lumabas na siya.
Maya-maya ay narinig kong bumukas ulit ang pinto. Hindi ko na tinignan dahil si Tarra lang naman siguro 'yan.
"Good afternoon." It was a male voice so my brows furrowed in confusion, but I immediately recognized him.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomansaLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023