Amara's POV
"What are you doing here?" I asked him.
"Is that how you're going to greet your future husband?" He asked like it was the greatest joke of all time. Ang sarap balibagan ng gate nitong lalaking ito eh. Nagtext pa, pupunta din naman pala.
"I'm just kidding, relax." He tapped my arm but I didn't budge.
"I'm asking you, what are you doing HERE?" In case you're wondering, it's WILSON. Pretty obvious with my reaction.
"Can we talk inside? Para naman akong manliligaw dito sa labas na ayaw mong papasukin sa bahay. Strict parents?" Hirit niya.
"Bahala ka dyan." Pumasok na ako sa loob at sinundan naman niya ako.
Napaka talaga eh. Feel at home? Bahay niya ba ito? Pasensya kung nagiging rude ako pero...arghhh! He's unbelievable! I can't even believe that I actually tried going out with this guy!
"So, ano bang sasabihin mo?" Tanong ko para matapos na ito agad. I can't stand him being here. It's supposed to be my free day, my day-off!
"Here, I couldn't wait eh. Here's the invitation. Mom and Dad are expecting you." He handed me a small gray envelope. Nakalagay sa loob ang details ng event.
Whatttt?! Bukas na agad? Eh last minute naman pala kumilos itong lalaking ito eh. Kaya pala sabi ng mama bukas niya ipapadala 'yung damit kasi bukas na ito. Ang galing talaga nila! Para hindi na ako makatanggi, ginahol ako!
"Yan lang naman, and oh, this is for you." Inabutan niya ako ng flower arrangement. Ngumiti nalang ako ng pilit pagkaabot niya sa akin ng bulaklak.
"Ma'am, ano pong lulutuin para sa din--" Lumingon ako kay Calli na kalalabas lang ng kusina pero napahinto siya sa pagsasalita at tumitig kay Wilson. "Ikaw?"
"You know him?" I asked her.
"Yes, I understand, little girl. Talaga namang makikilala mo ako because I have my face on our company billboards." Pagyayabang ni Wilson.
Napakahangin talaga!
"Hindi. Hindi niyo po ba ako naaalala? Ako 'yung batang muntik niyo ng mabangga sa pedestrian?" Calli asked him.
Woahhh, hold on! I didn't know that.
"Well, sa dinami dami ng taong nae-encounter ko araw araw, it's impossible for me to remember everyone's faces. I'm sorry kung ako man 'yun. You're actually very lucky to meet me."
Tiningnan lang ulit siya ni Calli. "Sige po, do'n lang ako sa kusina."
Sinundan ko ng tingin si Calli habang naglalakad siya palayo pero rinig na rinig ko ang binulong niya sa hangin."Kapal."
Pinigilan ko na lang ang tawa ko sa narinig. Hahahahaha! Kaya nagkakasundo kami nito eh, we both like and hate the same stuff....and people.
"Sige na, I'm very busy. Thanks for dropping by." I said almost pushing him outside. Hindi ko naman tinulak, almost lang. Hahahaha!
"Bye, Amara! See you tomorrow!" Pagkaalis ng sasakyan niya ay binalibag ko ang pagkakasara sa gate.
Pagpasok sa loob ay ibinaba ko 'yung invitation at bulaklak sa coffee table.
Pagbalik ko sa kusina ay nandoon ulit ang dalawa na naghihintay sa'kin, parang kanina lang. Pero please lang, sana naman wala nang dumating para sirain ang araw ko. Let me have some peace and quiet!
"Kilala niyo po pala 'yun, kaya pala pamilyar siya sa akin." Sabi ni Calli na nakatitig sa hinahalo niyang inumin.
"Yup. 'Yun 'yung taong hangin na sinasabi ko." Natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023