When 'Destiny' Plays Her Part

21 3 0
                                    

Amara's POV

Nagmamadali na akong umakyat sa opisina ko dahil nandyan daw ang Mama. Kakatapos lang ng '9 AM meeting' ko with my friends. Productive and awkward at the same time, but I managed to get through it.

Pagpasok ko sa office ay naabutan kong nakadungaw ang Mama sa bintana.

"Good morning, Ma." I greeted her.

She turned around, her arms crossed in front of her chest. "Good morning. Na-late ka daw?" Medyo mahinahon naman siya ngayon.

Lahat na lang talaga ng nangyayari sa buhay ko, ultimo 'yung pagka-late ko, alam niya.

"Yes Ma, medyo na-late ako ng gising eh." Pagdadahilan ko. Umupo na ako sa swivel chair ko at sinubukang simulan ang trabaho kahit nandyan si Mama.

"Well anyway, let's not talk about that. I heard you're friends again with....Alexander."

I knew it, she went straight to the point. Sa dami ba naman ng tenga at mata sa paligid, hindi na ako magugulat na alam niya 'yan. Pagka-late ko nga, alam niya eh.

"What's wrong with that?" I asked while I'm looking at the folders on my table.

"Amara, do you hear yourself? He's your ex husband!"

Binaba ko ang tinitignan kong folder at tumingin kay Mama. "So? Ano pong masama kung makipagkaibigan ako sa kaniya? That was years ago, Mama."

"Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan mo? Na wala ka nang choice kaya bumabalik ka sa kanya? Amara naman! You'll be a laughingstock! There are lots of men na pwede mong kaibiganin. There's our business partners, or lalayo pa ba tayo? Wilson."

Kailangan ba talagang may special mention si Wilson kapag kausap ko ang Mama? Sino bang anak niya? Ako o si Wilson?

"Ma, ikaw na rin po ang nagsabi, 'kakaibiganin'. Friends. And if I wanna be friends with someone, I wanna make sure na humble na tao ang magiging kaibigan ko." Kumunot naman ang noo niya.

"Not like Wilson." Bulong ko sa sarili.

"Hay! Ewan ko sa'yo! I'm giving you all these free advice and wisdom but you're really a hard-headed lady!"

I secretly smirked. Matigas talaga ang ulo ko.

"Ma, whatever Alex and I have right now is purely friendship, alright? Wala nang iba."

She didn't seem to absorb what I said because she crossed her arms and was about to turn away. "By the way, matatagalan na bumalik si Helen sa bahay mo dahil hindi pa rin ako nakakahanap ng cook." She diverted the topic.

"Sure Ma, may cook naman ako sa bahay eh. Paki-kamusta na lang po ako kay Manang Helen."

Medyo umayos na ang atmosphere dito sa office ko nang ibahin niya ang topic. Mas gusto ko pa na huwag naming tina-topic si Alex, nor Wilson para hindi kami nag-aaway.

"Sige na, I have lots of things to do today, and I see that you do, too. I just dropped by to check on you after last night's event. I'll get going."

"Bye, Ma." Nagbeso kami bago siya lumabas.

'Di ba? Gano'n 'yun. 'Pag dumating siya, expected ko na sesermonan niya ako pero mauuwi din naman sa mahinahon na usapan.

What a wonderful Tuesday morning!

~~~

Alex's POV

It's a great morning because I saw Amara earlier. I wanted to compliment her so bad but I don't want to make her feel awkward, especially since our friends were there.

Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon