Instincts

44 3 0
                                    

Amara's POV

"Sana ikaw na lang si Isabella, sana ikaw na lang ang anak ko." Hindi ko na napigilang sabihin sa kaniya kung anong nararamdaman ko.

I wish Isabella was alive, na naka-survive siya at kasama ko ngayon. I wish she was Calli.

I snapped out of it when I realized how ridiculous and insane my thoughts are.

Paanong mangyayari 'yon, Amara? Wala na nga ang anak mo!

Right when I felt mentally insane for wishing that the girl in front of me is my daughter, she flashed a heartwarming smile before cupping my cheek.

I realized how much of a mess I was, making me laugh a bit in embarassment. Ano ba 'yan! Sa harap pa ni Calli ako nag-breakdown. Ang ganda ganda ng araw namin ngayon eh, 'tapos sinira ko.

"Naku! Sorry ha. Ang drama ko, ang dami ko lang sigurong iniisip." I said as an excuse while laughing and wiping my tears.

"Okay lang po, Mommy. Ano ka ba? Ito po, panyo oh." She handed me a handkerchief and I used it to wipe my face.

Hay nako, mabuti at naiintindihan ako ni Calli. Mabuti at hindi siya naw-wirduhan sa'kin. That's why I feel so safe to be vulnerable around her.

"Halata ba na umiyak ako?" Tanong ko habang sinusuri ang sarili ko sa salamin.

Namalat tuloy ang boses ko dahil sa drama ko. Hahaha!

"Hindi naman po. Ang pretty niyo pa rin eh." Sabi niya habang nakakapit sa balikat ko.

Bolera talaga! Hahaha!

Nag-ayos lang ako ng kaunti at pati si Calli ay tinulungan akong mag-ayos ng buhok.

"Balik na po tayo do'n?" Tanong niya nang matapos ako sa pag-aayos.

She was about to open the door but I gently grabbed her by the arm. "Sweetheart, pwedeng sa'tin na lang 'to? Huwag mo nang sabihin sa Dad mo dahil baka mag-alala pa."

"Opo naman! Walang makakaalam."

I whispered a 'thank you' before we walked out of the restroom.

"What happened?" My husband's concern was evident on his face as soon as he saw us.

"Sumuka po kasi si Mommy. Hehehe. Alam niyo naman po, morning sickness na pang-buong araw." Sabi ni Calli na nakapagpatawa sa'kin ng bahagya.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Alex paglapit ko.

"Yup. Tara, kain na tayo."

While eating, Calli would always smile kapag napapatingin siya sa akin. It's nice knowing that she cares. It warms my heart.

~~~~

Alex's POV

The two girls decided to go shopping that's why after getting off work, we headed to the mall.

Silang dalawa lang naman ang nagkakasundo sa ganiyan kaya sumusunod lang ako kung saan sila pumupunta. In this case, sa department store.

Habang nag-susukat si Calli ng mga damit ay hinihintay lang namin siya ni Amara dito sa upuan sa labas ng fitting room.

"Ang saya ipamili ng damit si Calli. We have the same fashion taste." Sabi ni Amara habang nakasandal ang ulo sa balikat ko.

"Well, after a few years, dalawa na ang ipagshoshopping mo ng damit." I told her. Bigla naman siyang tumawa, maybe she imagined it already.

Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon