Amara's POV
"Amara!" I looked up to the direction where that voice came from.
"Wilson! Glad you could come." I stood up, to let him give me a hug.
"Congratulations!" He said to me.
I was a bit surprised to see him and Alex shake hands. "You too, Alex. Congrats, pre."
Wow! Dati lang, magkaribal 'yang dalawang 'yan eh. Hahahaha! Well, it's water under the bridge naman na.
"Thank you! Enjoy the night." Sabi ni Alex.
Hindi pa man kami nakakaupo ulit ni Alex ay may palapit na naman.
"Madam!!! Picture po tayo." It's Tarra together with Calli. We took lots of selfies with them, crazy ones!
"Congrats po! Welcome to the family, Sir!" Biglang natawa si Alex sa biro ni Calli.
"It's an honor." Napatingin naman ako kay Alex kasi sinabayan ang biro ni Calli, at nag-high five pa sila. Mukhang makakahanap ng kakampi si Alex sa pang-aasar sa'kin sa bahay!
Napakamot naman si Tarra sa ulo. "Ano ba 'yan! Hindi naman ako kasama sa bahay niyo eh. Ah! Alam ko na."
Hinintay namin si Tarra na ituloy ang sinasabi niya. "Welcome to the office, Sir." Paggaya niya sa sinabi ni Calli kanina.
Napahalakhak tuloy ako. Hay nako! Nagsama si Calli at Tarra. Huwag lang hahabol si Ria at baka maging comedy show na ito.
"Alex! Amara! Congratulations to you both!!" Napalingon kaming apat sa side ni Alex kung saan nanggaling ang boses na 'yun.
Si Sam! Nakarating pala siya! Sa sobrang busy kasi kanina sa ceremony, at sa kaba ko rin, hindi ko na masyadong nakita kung sino sino ang nakarating na guests.
"Samantha! Thank you for coming." Sabi ni Alex sa kaniya.
"Of course, hinding hindi ko ito palalampasin, 'no. Congrats sa inyo." Samantha replied.
"Thank you sa pagpunta, we appreciate it." I butted into their conversation.
She gently held my arm and smiled. "Oo naman, wala 'yon. It's an honor to witness your celebration. Love really is sweeter the second time around."
I smiled at her remark. "It is." I proudly agreed.
"Oh sige na, I have to go back kasi mukhang hindi pa kayo nakakakain ng maayos. Congratulations again! See you around." Kumaway si Samantha bago umalis.
"Balik na rin po muna kami sa table, Mommy." Paalam ni Calli.
"Okay, enjoy!" I said to them, but before they could go back to their seats, Ria approached them and pulled them to come back here.
"Congrats sa inyo!!! Picture tayong lahat!" Sabi ni Ria saka pumwesto sa likuran namin. Si Calli naman, hinila ko para tumabi sa'kin. Then si Tarra, katabi ni Ria at Erissa sa likuran, matatangkad eh. Haha!
Inabot ni Ria ang phone niya sa staff at nagpa-picture.
"Smile po!" Sabi ng staff kaya ngumiti kaming lahat sa camera.
Napadaan si Drake kaya bigla siyang tinawag ni Ria. "Drake! Sali ka dito sa picture, bilis!"
He looked a bit hesitant but he still obliged. Tumabi siya kay Calli at nagpatuloy kaming kuhanan ng staff ng mga photos, pati rin ang official photographer and videographer namin, kinukuhanan na rin kami.
Nararamdaman ko na lalong dumidikit sa akin si Calli. Hinawakan ko na nga sa bewang para ma-control kasi baka ma-out of balance ako. Urong siya ng urong papunta sa akin, kaya ako, napapaurong din.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023