Amara's POV
I don't know why but I can feel that today is going to be a great day!
It's only 6:30 in the morning but I'm already done getting ready. When I went downstairs, sobrang maaliwalas dahil naka-bukas lahat ng blinds, parang ang liwanag ng paligid than usual.
Naririnig ko sila manang sa kusina kaya doon ako pumunta.
"Good morning, Ate!" Bati ni Vera pagpasok ko sa kitchen.
Nagpupunas siya ng mga pinggan habang naghuhugas si Lea. Si Manang naman ay nagluluto na ng agahan, ang bango!
"O, ang aga mo yata? Hindi ba mga alas siete ka pa umaalis?" Nagtatakang tanong ni Manang sa akin.
"Dito na po ako kakain ng breakfast." Sabi ko.
Bigla namang ngumiti si Manang at pinag-set sila Vera ng table.
Tumulong na ako sa pagl-lagay ng pagkain sa mesa bago umupo.
Hmmm...ang bango ng breakfast sa umaga. May eggs, bacon, hotdog, fried rice at hot chocolate. Namiss ko ring kumain ng breakfast sa bahay, puro kasi coffee at bread ang kinakain ko sa office eh. Iba pa rin talaga kapag homemade breakfast.
"Mamaya, dalhin mo 'yong mga bag na 'yon. Nando'n ang baon mo. Dalawa 'yon para sa inyo ni Tarra." Natawa naman ako dahil para akong bata na binibilinan na magbaon sa school at mag-share sa classmate.
"Opo, Mama." Biro ko.
I enjoyed the rest of the breakfast while chatting with them about anything.
~~
I entered the building and immediately saw Tarra talking with an employee. She looked at me and excused herself from the person before walking towards my direction.
"Ay Ma'am! Good morning po. Nandyan na po pala kayo. Nasa office niyo na po 'yung sample designs at kailangan na lang po ng approval at go signal niyo." Pagpapaliwanag niya habang naglalakad kami patungo sa elevator.
"Okay, salamat." Naalala ko bigla itong hawak kong lunch bag. "Ito pala, pinapabigay ni Manang." Inabot ko sa kaniya 'yong pinabaon sa kaniya ni Manang Helen.
Nagningning naman ang mga mata niya nang kunin niya 'yon sa'kin. "Ay wow! Pakisabi po, thank you. Masarap na naman ang tanghalian ko." Sabi niya pagkasakay namin sa elevator.
Like what Tarra told me earlier, the sample designs and the fabric samples were already at the office upon my arrival, so I began what I have to do para mabilis na akong matapos sa trabaho.
~~~
Calli's POV
Hay! Alas-singko na pero walang benta today. Kahit na ginamit ko na ng full force ang aking precious voice, matumal talaga. May bumibili nga, every 30 minutes naman. Kung may dumadaan man sa tindahan, tumitingin lang daw ng damit. What to do?
"Inaantok ako, ang daming customers." Sabi ni Ate Pretty na kanina pa hikab ng hikab habang nakakalumbaba sa mesa.
"Tiwala lang! Malay mo um-attend pala sila ng birthday kaya mamayang gabi pa ang dating." Biro ko habang tinutupi ang mga damit na tinignan kanina ng mga dumaan na customers.
"Hay nako! Tulungan mo na lang ako dito, Ate, para hindi ka antukin." Tinatamad naman siyang tumayo mula sa upuan at kinuha ang pang-sampay ng damit. Basta 'yong pang-abot sa damit kapag nasa mataas na lugar.
"Uy Calli! Nandyan 'yong BFF kong fashionista kasama si Ma'am Amara." Napakunot naman ang noo ko at lumabas ng pwesto para makita ang sinasabi ni Ate Pretty, baka kasi nangt-trip eh.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023