Alexander's POV
Malalim ang takbo ng isipan ko habang nagmamaneho pauwi.
Nasa isip ko pa rin ang itsura ni Amara no'ng nakita niya ako kanina, kung paanong hindi niya ako matingnan sa mata. Umiiwas...
'Di katulad noon na lagi siyang nakatitig sa mata ko tuwing magkasama kami.
Hindi man siya nagsalita masyado, pero alam ko kung anong gusto niyang sabihin, hindi ko siya masisisi.
Simula no'ng mawala si Isabella, parang naiwala na rin niya ang sarili niya. Isabella is too precious to be forgotten. Kahit na labing apat na taon na ang nakalipas, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat ng nangyari. 'Yung panahon na malaman namin na isa si Isabella sa mga nadamay sa pagsabog ng building ng Montevista Corporation. Tama kayo, ang kompanya na bumu-buhay sa pamilya namin ang siya ring kumuha sa taong pinaka-mahalaga sa amin ni Amara.
Flashback
14 years ago...
"Kinakabahan ako Alex." Nag-aalalang sambit ni Amara habang nakatitig sa mga mata ko.
Halata sa itsura niya ang pagod sa kakaiyak at puyat sa kakaisip. Kahit ako ay naaawa na rin sa asawa ko. She's too young to go through this. We're too young to go through this.
Nakasakay kami ngayon sa kotse at papunta kami kila Mama para makipag-usap tungkol sa pagsabog ng gusali ng kompanya namin dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Isabella at hindi pa siya nahahanap.
Kinakabahan kami dahil mayroon daw nakitang ebidensya ng mga abo na maaaring mag-confirm na iyon si Isabella. They did a special test to confirm it.
Umaasa ako, kami, na sana ay kinuha na lang siya ng ibang tao at ligtas ang kalagayan, kaysa naman ganito....
Ilang gabi nang umiiyak si Amara kakaisip dyan. Even I have been crying, too, because I can't imagine the thought of losing our baby, our only child.
"Don't worry. I'm here." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya sa isang yakap para kumalma kahit ako mismo ay kinakabahan. Kailangan kong maging malakas para sa kaniya. Kailangang tapangan ko ang loob ko dahil sa'kin siya huhugot ng lakas.
Bumalik ang kaba ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Mama. "Let's go?" Tumango siya at lumabas na ako para pagbuksan siya ng pinto.
Pagpasok namin sa loob ay nakaupo ang Mama ni Amara at si Samantha na kaibigan ko, siya ang nag-ayos ng tests para makumpirma kung anong resulta. May hawak ang Mama na folder na tinititigan ni Amara mula nang makapasok kami.
"Maupo na muna kayo." Umupo naman kami ni Amara at humarap kila Mama.
"Here, ayan na yung result. Sam brought it this morning." Inaabot ng Mama ang envelope pero nagtitinginan lang kami ni Amara at hindi ito kinukuha.
Nakita ko ang namumuong mga luha sa mata ni Amara na kahit anong oras ay babagsak, kaya ako na ang nag-lakas loob na abutin ang envelope.
"Kung ano man ang nakasulat dyan, sana tanggapin ninyo." Unti-unti ko itong binuksan at parang tatalon palabas ang puso ko sa sobrang takot at kaba.
Halos magunaw ang mundo ko nang makita ko ang nakasulat. Si Isabella, sa kanya nga 'yong mga abo na natagpuan sa executive floor.
Gusto kong saktan ang sarili ko, gusto kong magalit! Bakit ang anak pa namin? Bakit si Isabella?!
Tinitignan lang ako ni Amara at iniiwas ang tingin sa papel, pero pagkatapos ng ilang segundo ay hinablot niya ang papel at binasa ito. Nagsimulang manginig ang mga kamay niya at sunod sunod na bumagsak ang luha niya habang nakatingin dito.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023