Amara's POV
Another morning, another work day. What's new?
It's been two weeks since all of the crazy things happened. You know, 'yong nakita ko si....
Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag? Dapat nga kinakalimutan ko na 'yon eh.
Anyway, I'm getting ready for work. Marami akong kailangang asikasuhin ngayon sa opisina dahil ngayon magpapasa ng mga reports ang ilang departments. Mahirap na at baka madagdagan pa ang '30 percent' loss ng kompanya, baka patalsikin na ako ng Mama 'pag nagkataon.
Inaayos ko na ang mga gamit ko pagkatapos ay nanalamin ako bago lumabas ng kwarto. I almost have dark circles na sa sobrang pagpupuyat ko, dahil na rin hindi ako makatulog ng maayos. I feel like my health is at 60 percent na, need to work on that.
Pagbaba ng hagdan ay dumiretso na ako sa kotse. Hindi naman na ako kumakain ng breakfast, matagal na. Hindi ko alam kung bakit, pero lagi akong walang ganang kumain sa umaga.
Tahimik lang akong nagmamaneho habang nagtitimpi sa usual city traffic, ang tinik sa buhay ko whenever I'm running late.
Tiningnan ko na lang ang sarili ko sa rear view mirror habang nakahawak ang isang kamay sa manibela dahil baka hulas na ako sa stress.
~~~~~~
Nakaka-badtrip naman 'tong traffic na 'to! Halos twenty minutes na pero hindi pa rin dire-diretso ang drive ko, paputol putol ang andar, pahinto-hinto. Goodness me!
I rolled down the driver's seat window halfway to let a bit of air in, because I'm so mad.
"Hay traffic!!!! Grrrrr!" Dito ko na lang sa manibela inilabas ang inis ko sa pamamagitan ng paghampas ng kaunti.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong napalingon sa kotse na nasa kanang bahagi ko. Nakita kong naka-bukas din ang bintana ng kotse sa tabi ko at nang makita ko ang nakaupo sa driver seat ay parang nasilaw ang mata ko at napa-diretso ng tingin sa kalsada.
"Bakit ba kasi ang hilig hilig mong lumingon, Amara?!" I scolded myself. Agad kong kinuha 'yung shades sa bag ko at isinuot ito saka ko tinaas 'yong tinted window, mahirap na at baka makita pa ako.
Of all people, of all freaking people, si Alexander talaga? Sa lahat ng posibleng oras at araw, bakit nagkataong nasa iisang lugar kami, ha?!
Pshh! Akala ko last week lang ako mab-badtrip. Pati ba naman ngayon?
~~~~~
"Good morning, Ma'am!" Bati ng mga empleyado sa akin habang naglalakad ako papunta sa elevator.
"Good morning." I greeted with a smile. Hindi magandang dinadala sa trabaho ang sama ng loob.
"Good morning, Ma'am! Fresh na fresh ah." I just rolled my eyes and laughed at Tarra's comment. Kapag kasi nasa harap ng employees, 'Ma'am' ang tawag niya sa akin. Kapag naman kami kami lang, 'Ate' ang tawag niya.
"Good morning." Dire-diretso akong naglakad patungo sa opisina ko. Opisina kong kabisado ko na ang bawat sulok dahil lagi na lang akong nandito. Kulang na lang ay ilipat ko na ang kama at kusina ko dito para matawag ko itong 'bahay'.
Pagkababa ko ng bag ay umupo na agad ako sa swivel chair at binuksan 'yung folder na nasa desk para masimulan na ang trabaho. Puro naman ito mga sales report, investment portfolio at kung ano ano pang related sa negosyo namin.
I pressed the intercom to connect with Tarra's.
"Coffee please. Thank you." I requested.
After a few minutes, Tarra came in holding my drink and a snack paper bag from the usual cafe that I order from.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw (Edited Version)
RomanceLet's dive back into the heartwarming and touching story of the Montevistas! Re-edited: November 6, 2023