I love you, Amara (Edited Title)

47 3 0
                                    

Amara's POV

"Mag-asawa po."

Naibuga ko ang tubig na ininom ko. Mabuti na lang at walang nakaupo sa harap ko. Nakakasamid!

"Okay ka lang po?" Tanong ni Calli na katabi ko. Nagthumbs up lang ako kasi hindi ako makapagsalita ng maayos. Parang may na-stuck sa lalamunan ko dahil do'n sa tubig.

"Biro lang po. Kaibigan lang po ako ni Amara."

I got confused. Bakit niya binawi? Does he think na sinisikreto ko ang tungkol sa'min?

But that doesn't matter right now, kasi nauubo pa rin ako. Wrong pipe!

~~~~~~

"Ingat po!" Pahabol ni Calli bago kami lumabas ni Alex ng bahay. Kinawayan naman siya ni Alex pabalik.

"Thanks for the dinner." Alex said.

Hinatid ko siya dito sa gate dahil gabi na at kailangan na niyang umuwi.

"No problem." I smiled, but remembered that I was going to ask him something. "Uhm...bakit mo nga pala binawi?" I asked.

"Binawi ang alin?"

"Yung sagot mo kanina kay manang, sinabi mong kaibigan lang kita."

Tumawa siya ng mahina. "Ohh. That." He shrugged his shoulders. "Wala. Alam ko naman na ayaw mong tinatanong ka tungkol sa mga gano'ng bagay kaya binawi ko na lang 'yung sagot ko."

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at kumindat. "Don't worry, tayo pa rin naman eh."

Hinampas ko na lang siya ng mahina sa braso dahil sa huli niyang sinabi. "Loko ka talaga--"

Nagulat kami kasi may mga patak ng ambon na bigla na lang naging malakas na ulan in a matter of seconds. Shocks! Wala kaming payong! Basang basa tuloy kami dito.

Universe naman eh! Nagpapaalaman pa eh, bigla bigla ka namang nagpapaulan!

Itinakip niya ang mga palad sa ulo, pati na rin ako, para matakpan ito.

"Kailangan ko nang umuwi. Ang lakas na ng ulan!"

Tinulak ko na siya ng dahan dahan. "Huwag ka nang magpaulan. Pumasok ka na sa kotse mo."

Naku! Baka mamaya, magkasakit pa siya eh!

"Ikaw din, pasok ka na sa loob agad ha. Bye." Akala ko ay lalakad na siya palayo pero niyakap muna ako at hinalikan ang pisngi ko bago sumakay sa kotse.

Nagmadali akong bumalik sa loob ng bahay kasi basang basa na ako, baka magkasakit rin ako nito!

Goodness! Hindi ko in-expect 'yung paghalik niya sa pisngi ko kanina!

I know, it still feels like I'm contemplating whether it was the right decision to get back with him but gosh, masaya ako sa kaniya. Masaya ako ngayon.

Oo, cheesy na kung cheesy. Scroll down na lang kayo.

Pero alam niyo 'yung sinasabi nila na sa buhay ng isang tao, mayroon talagang darating na para sa kanila? There will always be that one person na kapag dumating, kakalma ang isip at puso mo. There will always be that one person na magpapa-realize sa'yo kung bakit ka iniwan ng iba o kung bakit hindi ka para sa kanila.

'Yung mga taong iniwan ka, parang kalsada lang sila, sila lang ang maglilead sayo papunta sa destinasyon mo, pero hindi ka sa kanila hihinto kasi meron kang pupuntahan na mas maganda. Katulad lang ng pagdaan sa kalsada, minsan maliligaw ka o malilito pero at the end, makakarating ka pa rin sa lugar na dapat mo talagang marating at mapuntahan kung patient ka at handa kang maghintay.

Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon