Ang Lunch. Bow.

20 2 0
                                    

Amara's POV

"Good morning, Ma'am." Bati sa akin ng mga empleyado habang naglalakad ako. Tinanguan ko na lang sila at nginitian dahil wala ako sa mood para magsalita. Eh baka naman masabihan pa akong suplada.

Pagdating sa opisina, nandoon na si Tarra at inaayos ang mesa ko. "Good morning, Ate."

Tinanguan ko lang din siya at naupo na ako sa swivel chair.

I swear, my mood is literally swinging today, and my temper's hanging on by a thread.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok ulit si Tarra na may dalang kape, as usual.

"Pakilagay na lang 'yan dito. Thank you." I instructed her but a few seconds has passed, and she's still standing there like a tree.

I looked at her and raised my eyebrows. Nag-freeze ba 'to?

"Eh Ate, hindi naman po ako ang um-order nito eh. May nagpapabigay lang." Pinatong niya sa mesa para makita ko.

I got confused with her. "Sino ang nagpapabigay?" Tanong ko habang sinusuri ang cup dahil baka may nakalagay dito kung kanino galing.

"May note po na kasama 'yan. Ito po." Inabot niya sa akin ang card at nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Dinala lang po 'yan sa table ko eh, pinapaabot daw po sa inyo." Kunot noo kong binuksan ang card at binasa ang nakasulat.

"Good Morning! Thank you for letting me stay in your house. ♥︎ "

Matagal kong tinitigan ang card kahit na alam ko naman na kung kanino 'to galing. Obvious naman sa sulat at sa message.

Napansin kong nasa harapan ko pa rin si Tarra kaya tumingin ako sa kaniya at tumikhim. "Uhm--you may go. Thank you." I told her that's why she left.

I placed the note in the drawer where I put his calling card....where I put all the stuff that I don't wanna see.

Hindi ko iinumin 'yang kape na 'yan, bahala siya.

~~~

Well, it's 11 AM already, at kinain ko rin ang sinabi ko kanina dahil ininom ko rin naman ang kape. Sayang naman eh.

Hindi sa sayang 'yung effort niya kung hindi sayang 'yung coffee. Ang mahal kaya niyan, grande pa.

Weh, Amara? Sa barangay ka na magpaliwanag.

I'm done with my paperworks so I entertained myself by checking my socials on my phone, when Tarra suddenly entered.

"Ate, may gusto raw pong makipag-usap sa inyo. Nagpa-appointment po siya kanina." She informed me. Ugh! Sino na naman ba 'to?

"Papasukin mo." Tugon ko.

Naghintay lang ako habang nakatitig sa pinto at pagbukas nito, pumasok ang lalaking naghatid sa akin kanina sa trabaho, ang nagpadala ng coffee at ang lalaking ayaw ko talagang makita. Sino pa ba?

"Alex, anong ginagawa mo dito?" I stood up from my chair. Respeto na rin dahil hinatid niya ako kagabi sa bahay ng safe.

Respeto, pero naiinis ka? Ano 'yon?

Pwede bang manahimik ka muna, inner Amara?!

"Natanggap mo ba 'yung coffee?" Nakangiti niyang tanong.

"Yes, thank you for that. You didn't have to." Tension and awkwardness in the house! "Anyway, what are you doing here? Nagpa-appointment ka pa."

"I just want to ask you out for lunch." He said all that without breaking eye contact, pero pagkatapos niyang sabihin 'yon ay napayuko kaming dalawa at napatingin ako sa kanang bahagi ng opisina. Umiiwas ng tingin, kumbaga.

Sa Bawat Araw (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon