Nanibago man pinilit ni Nenita na maging pormal sa harap ng mag-ama. Tapos na silang maghapunan at ngayon dessert naman ang nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar sa pagkain ngunit nagustuhan niya ang lasa. Napansin iyon ni Enrico kaya nilagyan niya ulit ang platito ni Nenita.
"Salamat po, " nahihiya na wika niya sa maliit na boses.
"Marami pa iyan sa ref, wag kang mahiya na kumain, " kaswal na saad ni Enrico sabay ngiti sa kanya.
Napayuko si Nenita upang itago ang mukha nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Kaagad niya ring sinaway ang sarili dahil baka makita nila iyon.
"Mga gamit mo ba ang laman riyan sa bag mo? " tanong ni Ethan.
Nag angat ng mukha si Nenita kay Ethan. "O-opo."
"Ang liit ng bag mo, siguro kaunti lang iyang dala mo, " komento ni Javier.
"A, opo. Kaunti lang po. "
Malakas na sabay napabuga ng hangin sina Javier at Ethan na ipinagtaka ni Nenita at the same time ay kinabahan.
"Magpahinga ka ng maaga, shopping tayo bukas, " nakangiti na sambit ni Ethan.
"Maduga ka! Ako ang unang naka-isip! " si Javier.
"Pero ako ang unang nag-aya, " kibit-balikat na sagot naman ni Ethan.
"Kahit na! Ako ang kuya. "
"Oh, so ano ngayon? "
"Sa akin siya sasama. "
Pabalik-balik ang tingin ni Nenita sa dalawang lalake na nagtatalo sa kanyang harapan. Hindi niya sukat akalain na magtatalo ang dalawa dahil sa kanya. Hindi rin siya makasagot dahil wala rin siyang mahagilap na sasabihin.
"Paunahan nalang tayo bukas kung sino ang mauna, " paghamon ni Ethan.
"Deal, " buong kompiyansa na sagot no Javier.
Si Don Emmanuel ay tahimik sa isang tabi na nakikinig sa dalawang anak. Natutuwa siya para rito dahil hindi iba ang turing nila kay Nenita kahit pa ngayon lang nila ito nakita at hindi pa lubos na kilala.
Napailing si Don Emmanuel upang iwaksi sa isipan ang namayapang asawa. Kung buhay pa ang kanyang asawa, siguro makipagtalo rin siya sa mga anak sa oras at atensyon sa asawa. Lalo na sa kanilang bunso na si Enrico na buntot ni Debbie. Kung saan ang ina naroon rin ito nakalambitin.
Tumayo si Enrico at hinigit patayo si Nenita sa dinning table na ikinalaki ng mga mata ng dalawa niyang kuya.
"Ihatid kita sa kwarto mo, " aniya sa nakatulala na babae.
Nabaling ang tingin ni Nenita nang may lumagabog. Umawang ang kanyang labi nang makitang nag-uunahan sa pagtayo si Ethan at Javier mula sa pagkasalampak sa sahig. Tatanungin niya sana ito nang hilahin siya muli ni Enrico.
"Isa ka pang maduga! " nagmadali na tumakbo si Javier kung saan nakalapag ang bag ni Nenita at mabilis iyon dinampot.
Dahil walang ibang gamit si Nenita, ang medical kit ang hinablot ni Ethan at nagmadali na sumunod rito.
"Akala niyo kayo lang a! " patakbo na sigaw nito.
Tumayo na rin si Don Emmanuel at sumunod sa mga anak na nagtatalo. Pinagtatalunan ang batang babae na bagong salta sa kanilang bahay.
"Iyong hugasin wag niyong kalimutan, " saad ni Don Emmanuel. "Kundi kayo ang itapon ko palabas. "
Nagtutulakan si Javier at Ethan kung sino ang mauna na pumasok sa maging kwarto ni Nenita at kung sino sa kanilang tatlo ang maghugas ng mga hugasin. Sa huli sabay silang nangudngod sa sahig sa pagtutulakan.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...