Chapter 13

67 4 0
                                    

𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝒊𝒔 𝒅𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒁𝒆𝒂 (𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒂𝒔𝒂 𝒎𝒐 𝒎𝒂𝒏 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒎𝒐 𝒏𝒂, 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂𝒚𝒐 '𝒕𝒐) . 𝑬𝒏𝒋𝒐𝒚 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒆𝒉. 𝑳𝒐𝒗𝒆 𝒍𝒐𝒕𝒔. 𝑻𝒉𝒂𝒏𝒌 𝒚𝒐𝒖❤❤


"Kumain ka na, hari. "

Wika ni Nenita nang mailapag ang niluto nitong adobong baboy. Pasado alas-dos na ng hapon kaya gutom na rin siya. Wala ngayon ang mag-ama kaya silang dalawa lang ni King ang magkasalo.

Naiilang man pinatili ni Nenita na maging kaswal at tahimik na kumain na parang siya lang mag-isa at walang ibang kasama.

Habang si King ay nakiramdam lang. Naghahanap ng tiyempo kung paano kausapin si Nenita. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin na ayaw ni Nenita magsalita. Hindi rin siya bulag para hindi makita na may problema na namang iniisip ang dalaga.

"Ano nga pala iyong itatanong mo kanina? " pagbukas ni Nenita ng pag-uusap. Ngunit nanatiling sa plato ang kanyang tingin.

King cleared his throat before answering Nenita. "Mm, yeah. Itatanong ko sana kung bakit wala sila tito."

"Ah... Hindi ko rin alam, e. Alam kasi nila na umuuwi ako sa amin tuwing katapusan kaya siguro umalis rin sila. "

"I see."

Katahimikan ulit. Pareho silang dalawa na walang masagap na salita. Wala sa kanila ang naglakas-loob na magbukas ulit ng panibagong pag-uusapan.

Tapos ng kumain si Nenita. Ngunit nanatili parin siya sa kinaupuan at hinintay si King na matapos itong kumain.

"Salamat nga pala sa pagtulong sa akin kanina. "

Mabilis na pinunasan ni Nenita ang bibig nang masamid siya ng tubig. Sakto kasi na umiinom siya nang magsalita si King. Tuloy, hindi niya alam kung haharapin ba niya ang lalaki o aalis na lang.

"I really appreciate it."

Alanganin na ngumiti si Nenita ngunit hindi makatingin ng diretso kay King. Ayaw niya mang mag-isip ng negatibo ngunit sumasagi sa isipan niya na baka naalala ni King ang lahat ng nangyari kagabi.

"Anong gusto mong gawin ko para makabawi -"

"Wala! " mabilis na sagot ni Nenita. Nabigla pa si King dahil tumaas ang boses niya. " H-hindi mo kailangan bumawi. T-tapos ka na ba k-kumain? Ako na magligpit. "

Pag iba niya kaagad sa usapan at tumayo. Ramdam niya ang pamumula ng mukha dahil sa hiya sa lalaki. Gusto na niyang makalayo o kaya ay lamunin nalang siya ng lupa sa kinatayuan.

'Naalala niya rin kaya yung pagdampi ng palad niy-no! Erase, erase. Hindi niya iyon naalala lasing siya kagabi. ' Kumbinsi ni Nenita sa sarili.

Para maka iwas ng tuluyan sa lalaki, hinarap niya ang hugasin sa lababo at nilakasan ang pagbukas ng tubig sa gripo nang sa ganun mawala ang fucos niya sa lalaking kasama.

Hindi niya lubos maisip kung ano pa ang kahihiyan na maramdaman niya kung pati ang pangyayari na iyon ay natatandaan ng lalaki.

'Bakit ko pa kasi siya tinulungan! ' Frustrated niyang usal muli sa isipan.

Nakahinga siya ng maluwang nang walang narinig na salita mula sa lalaki hanggang sa matapos itong kumain.

Napakislot siya sa gulat nang lumapit si King sa kanya bitbit ang pinagkainan nito. Kahit anong pagpakalma ang gawin ni Nenita ang puso niya ang bilis ng tibok nito.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon