Chapter 20

41 1 0
                                    

"ANO?! " Hysterical na sambit ni Nenita.

Ayaw niyang maniwala ngunit wala namang bakas sa mukha ng lalaki na nagbibiro lamang ito.

"It's already fixed. Go, make me some food." Winagayway pa ni King ang kamay senyales na aalis na si Nenita at sundin ang utos niya.

Nenita crossed her arm. "Bina-block mail mo lang ako dahil hindi ka makakain dahil hindi ka marunong magluto."

King shrugged. "Tawagan mo si tito at itanong sa kanya. Kailan ba ako nagbiro?"

Hindi na alam ni Nenita kung ano ang sasabihin. Gusto niyang malaman kung ano ang totoo ngunit ayaw naman niyang tawagan si Don Emmanuel para kumpirmahin ito. Kumulo ang dugo niya nang taasan siya ni King ng kilay at pinaparating dito na wala siyang pagpipilian dahil bayad na ang serbisyo niya.

Napahawak siya sa kanyang tiyan nang tumunog iyon. Bumaba ang tingin ni King doon. He want to confirm it but Nenita turn around and walk away. "Babalik ako," wika ni Nenita at nagmadaling lumabas sa bahay.

Nagtataka man ipinikit nalang ni King ang kanyang mga mata at hihintayin ang pagbabalik ni Nenita.

Patakbo na umuwi si Nenita. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Dagdag pa na amoy pawis siya at marumi dahil kagagaling niya lang sa paglinis.

Nang makarating sa mansyon mabilis siyang naligo. Ang niluto niyang pagkain kanina ay inilagay niya sa tupperware para dalhin sa bahay nila ni King. Nag iwan lang siya ng kaunting ulam at kanin para kay Enrico.

Pagbalik niya nakahiga na si King sa couch at mahimbing ang tulog. Hinanda niya ang pagkain na dala niya pagkatapos ay ginising si King. Ngunit kahit anong tawag niya sa lalaki hindi parin ito nagmulat ng mata, ni hindi man lang gumalaw.

Hindi niya mahintay na kusang magising ang lalaki dahil gutom na talaga siya. Mahina niyang kinalabit sa paa ang lalaki ngunit wala parin itong reaksyon. Wala siyang pagpipilian kundi gisingin ito sa may medyo marahas na paraan dahil kung magtagal pa ay baka manginig na siya sa gutom na nararamdaman.

Mahina niyang niyugyog ang balikat  ng lalaki ngunit naka ilang beses na siya sa ginagawa ay ayaw parin itong magising. Ginapang ng kaba ang puso niya na baka patay na si King dahil hindi ito nagising o gumalaw man lang.

Nang kapain niya ang noo ng lalaki, ang init nito. Inaapoy ito ng lagnat.

Nabanggit ni King na may personal doctor sila pero hindi iyon kilala ni Nenita. Nakalimutan niya rin ang phone niya sa mansyon kaya hindi siya makatawag sa magkapatid para magtanong.  Ayaw naman niyang iwan ang lalaki para bumalik sa mansyon at humingi ng tulong  kay Enrico.

Nakalimutan niya ang gutom na naramdaman sa pag-alala sa lalaking may sakit. Dahil wala siyang mahingan ng tulong, binigyan niya muna ng paunang lunas si King.

Ngunit kaagad rin siyang nagsisi nang mapagtanto kung ano ang gagwin niya sa lalaki.

"Bahala na," sambit niya. Sa kanyang nanginginig na kamay marahan niyang inilapat ang basang pamunas sa pisngi ni King.

Kumunot ang noo ni King, siguro nakaramdan ng lamig ngunit hindi naman nagmulat ng mata.

Mariing napalunok si Nenita nang dumako sa leeg ni King ang kanyang kamay. Ang kinis niyon. Lumilitaw pa ang maliliit na ugat doon dahil sa kaputian niya. Ang bango pa at sarap amuyin.

Ipiniling ni Nenita ang kanyang ulo nang mahimasmasan sa sariling naiisip.

Napa upo siya sa sahig at nagpakawala ng isang mabigat ng paghinga sa frustration kung paano niya punasan ang braso ng lalaki. Hindi niya iyon magagawa unless kung iaangat niya pataas ang mangas ng long sleeve ni King.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon