Chapter 59

9 1 0
                                    

The misunderstanding between Hernan, Emmanuel and Cathalea has been resolved.

Hindi parin makapaniwala si Hernan na ganoon lang kadali sa mga ito na siya ay patawarin, maging kaibigan at maging parte ng kanilang mga buhay. Kaya napapatanong siya, na sa kabila ng ginawa niya deserve niya ba ang magandang pakitungo ng mga ito sa kanya?

Matalim ang tingin sa isa't-isa, tahimik na ang tatlong magkapatid matapos silang paghampasin ng ama. Nagsisihan sila gamit ang tingin kung sino ang may kasalanan.

"Magsitigil kayong tatlo! Para kayong mga bata, " konsumisyong wika ni Don Emmanuel. Ibinalik ni Emmanuel ang atensyon kay Hernan. "May agahan pa ba kayo?"

Nahihiya na tumango si Hernan. "Oo mayroon pa pero, " tumingin siya kay Nenita " May ulam pa bang natira? "

"Nilagang mga gulay nalang ang natira at saka pritong dilis. "

"May bagoong ba? " natatakam na sabat ni Ethan. Tumango si Nenita bilang sagot. "Yun, sarap! " pumapalakpak pang usal niya.

Tumulong ang magkapatid sa paghanda ng makakain. Binigyan sila ni Nenita ng magagawa nang sa ganun hindi na magtalo pa ang tatlo.

"Ayos lang ba talaga sa kanila iyong ulam? " naninigurado na tanong ni Fatima ng sila nalang ni Nenita ang naiwan. "Nakakahiya naman na ganoong ulam ang ihain natin sa kanila. "

"Naku, Nay, sanay na ho iyan sila. Mas gusto pa nga nila na ganyan ang kanilang mga ulam. "

Nakaramdam ng kaginhawaan si Fatima. Ngayon lang naman kasi sila nagkaroon ng mayaman na bisita kaya nahihiya siya dahil pangmahirap lang ang kanilang pagkain.

"Tara ho, sumabay na tayo sa kanila. "

Nagdadalawang-isip na tumingin sa kanya si Fatima. "Hindi ba iyon nakakahiya? "

"Bakit naman kayo mahiya, Nay?" Nakakunot ang noo na tanong ni Nenita. "Huwag ho kayo mag isip ng hindi maganda. Hindi sila ganoong tao, Nay. " May ngiti sa labi na dugtong ni Nenita to asure na walang ikabahala si Fatima.

Pinagsaluhan nila ang agahan na para bang matagal na nila iyong gawain. Nanibago man, nahihiya man ang mag-asawang Hernan at Fatima ngunit nang makita nila ang mag ama na masaya at ganado sa pagkain, napanatag ang kanilang loob.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang may dumating na sasakyan. Unang bumababa doon si Nadia bitbit ang kanyang anak. Sunod ay si Liel karga ang dalawang kambal at Janice na hindi magkandamayaw sa pagbitbit ng anak niyang nagkukumawag. Lahat sila ay nakapantulog pa ang suot at mukhang kababahon lang din at dito kaagad dumiretso.

Ang magkapatid naman ay tulala na naka-awang ang mga labi sa biglaang pagdating ng kanilang mga asawa. Doon lang sila tumayo at nagmadaling lapitan ang asawa ng nagkukumawag na tawagin sila ng kanilang mga anak.

Ang mag-asawang Hernan at Fatima ay hindi nakapagsalita dahil sa bigla na dinayo ang kanilang bahay.

"Hindi na kami nakapagsabi na susunod kami dahil panay ang iyak ng mga bata, hinahanap ka, " wika ni Liel nang kuhanin ni Ethan ang kambal sa kanya.

"Nagpunta sila sa bahay kaya sabay nalang kami na nagpunta dito-teka si King, " ani Nadia at binalingan ang sasakyan, "Tulungan niyo muna. "

Tela walang narinig ang tatlong magkapatid. Sabay nilang nilingon ang gawi ni Nenita. Nagtataka naman na tinaasan sila ng kilay ng dalaga.

"Seloso daw yun, " ani Enrico at kinuha ang anak niya kay Nadia. "Bahala siyang bumaba na mag-isa. "

Malakas na hampas sa balikat ang natanggap ni Enrico sa asawa ngunit balewala lang iyon kay Enrico. Hindi parin siya natinag. Hinapit niya ang baywang ni Nadia at inakay patungo sa mesa.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon