Chapter 14

38 1 0
                                    

Hindi mapakali si Nenita habang pabalik-balik sa paglakad paroon-parito. Nag-alala siya na baka ma infection ang sugat ni King. Na baka malalim iyon. May naiwan na bubog. Ma apektuhan ang ulo niya. Baka bigla nalang siya mahilo at mahimatay.

Oa man isipin pero puro negatibo ang laman ng isip niya. Natatakot siya na baka hindi lang cold treatment ang matanggap niya kay Enrico kung sakali man na may mangyari kay King dahil sa sugat na natako niya. Baka mas malala pa sa cold treatment at ayaw niyang mangyari iyon.

Si Enrico lang ang ka dikit niya sa magkapatid. Kay Enrico lang siya hindi naiilang. Kay Enrico niya lang naipapakita ang tunay niyang saloobin. Kapag may nangyaring masama kay King, baka iyon na ang dahilan para magkaroon sila ng hidwaan dalawa.

Natigil siya sa paglakad at nag angat nang mukha ng marinig ang yabag na pababa sa hagdan.

It was King. Naka pamulsa itong naglalakad pababa. Kaswal ang mukha ngunit lumalabas ang pagiging strikto at masungit. Kung hindi lang siguro siya kilala ni Nenita siguro sa puntong ito nanginginig na ang mga tuhod niya sa takot at kaba.

Sinalubong niya ang lalaki. "A-ayos ka lang ba talaga"? Tanong kaagad ni Nenita nang makababa si King.

Nasa mukha nito ang pag-alala, at aligaga.

King smile and nodded. "I'm okay, Net. Ilang beses ko na iyan sinabi sayo. "

"Oo pero magpatingin ka parin sa doktor. Para masiguro. Nasa ulo kasi baka—"

Nagsalubong ang kilay ni King at may mapang asar na ngiti sa labi. "Concern masyado. Crush mo ba ako? "

Natigilan si Nenita ng ilang segundo. Alam niyang inaasar lang siya ni King pero ang puso niya ang bilis ng tibok nito.

"Hindi kita crush! " aniya ng mahimasmasan. Sa puntong 'to seryoso na ang kanyang mukha. "Oo, concern ako. Nag alala ako kasi kasalanan ko. Pero hindi kita crush. "

"Okay" King nodded "Para mapanatag ka I will go to hospital, " aniya at hindi na inasar pang muli si Nenita.

Kahit papaano nakahinga ng maluwag si Nenita. Hindi siya matatahimik kapag nagmatigas pa si King na hindi niya iyon kailangan ipatingin sa doktor.

"Babayaran ko ang bill—"

"We have a family doktor, Net. Also, I have a doctor cousin. Hindi mo kailangan na pati iyon ay alalahanin pa. And besides, kaya ko naman bayaran ang bill ko. "

Napahiya na tumango si Nenita. "S-sige... S-sorry ulit. "

King smiled at her genuinely. "You don't have to worry. I'm really okay, Net. Di bale, balitaan kita sa resulta  ng check up. Magpahinga ka na. You look tired and sleepy. I'll go home now. "

Hinatid niya ng tanaw si King. Kahit papaano nabawasan ang pag-alala niya dito. Mahina siyang napabuga ng hangin at sinapo ang sariling mukha.

"Kailangan ko na yata mag beauty rest, " aniya at nagtungo sa couch upang doon humiga.

Iidlip lang siya. Magpahinga saglit nang sa ganun may lakas siya mamaya sa mga gawain. Ngunit kahit pagod at antok siya hindi parin siya makatulog.

Naglalakbay ang isipan niya. Sa kung ano ang mangyari bukas at sa susunod pang mga bukas.

Sa kanyang pagpikit. His father's angry face appeared in his mind. Ang pag iyak ng mga kapatid niya. Ang takot sa mga mata ng mga ito. Ang kagustuhan na sana ay magkakasama sila. Ang mukha ng kanyang nanay na walang kahit anong bakas ng emosyon habang nakatingin iyon sa kanya.

Namalayan nalang ni Nenita na lumuluha na pala siya. Tahimik siyang humahagulgol habang lumalakbay sa isipan niya ang masakit na mga alaala.

Para na siyang babagsak sa lungkot, sa sakit, sa awa sa sarili, sa galit, sa pagod. Ewan, basta ang alam niya nalang gusto na niya na magpahinga.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon