“Ate, buti umuwi ka!” Mangiyak-ngiyak na usal ng kapatid niyang si Rona nang makita siya nitong paparating.
“Bakit, may nangayri ba?” nababahala na tanong dito ni Nenita. Sinuri niya ang katawan ng kapatid kung may galos ba ito o mga pasa sa katawan. Nang makita na wala, nakahinga siya ng maluwang.
“Graduation day niya ngayon,” si Ashly ang sumagot. “Kagabi pa iyan umiiyak nag-alala na baka siya lang ang walang kasama na guardian mamaya.”
Tumingin sa kanya si Nenita na humihingi ng paumanhin. “Sorry, hindi ko kase alam,” aniya sa kapatid. ”Wag kang mag-alala dahil nandito na ako. Ako ang sasama sayo.”
Umaliwalas ang mukha ni Rona sa sinabi ni Nenita. Na guilty naman si Nenita. Paano kung hindi siya umuwi? Paano kung nagkataon na walang lakad ang mag-ama, sino ang sasama sa kapatid niya sa araw ng kanyang graduation?
Wala siyang contact sa mga ito dahil wala silang cell phone. Nababahala rin si Nenita na bigyan ang kapatid niya at baka malaman iyon ng kanilang ama. Hindi lang siya ang malalagot kundi pati ang mga kapatid niya. Hindi niya makayanan kung pati mga kapatid niya ay saktan ng pisikal ng kanilang ama.
Kaya madalas sinasadya niya ang mga ito sa paaralan upang magbigay ng pera at para na rin makasama kahit saglit ang mga ito. Mahirap ang kanyang sitwasyon dahil para siyang isang kriminal na may pinagtataguan makasama at makita lang ang mga kapatid niya.
Nag arkila siya ng tricycle para sa kanilang apat papunta sa paaralan. Kahit silang apat lang nakikita niya na masaya ang kanyang kapatid. Simula nang magkamulat siya, siya na tumayo bilang nanay at tatay sa mga ito. Kaya naging emosyonal siya sa araw na ito lalo na nang malaman niyang Valedictorian ang kanyang kapatid.
Nang magbigay ng valedictory speech ang kanyang kapatid, bumuhos ang mga luha ni Nenita.
“Sa aking Ate Nenita na patuloy pa rin sa pagkalinga sa amin na siyang tumatayong nanay at tatay naming magkapatid. Salamat sa lahat-lahat, ate. To all my fellow student's, tumayo kayong lahat. Puntahan niyo ang inyong mga magulang, yakapin niyo sila at pasalamatan sa kanilang mga sakripisyo sa bawat araw.”
Hindi pa rin ma ampat ang mga luha ni Nenita. Nanumbalik sa kanyang isipan ang mga hirap na pinagdaanan niya maitaguyod lang ang mga kapatid sa pag-aaral dahil wala namang pakialam ang kanyang mga magulang sa edukasyon.
Ngunit lahat ng mga hirap niya ay nalusaw nang magbunga ang mga pinagpaguran niya at hirap na dinanas. Hindi siya nagkamali na bigyan niya ng halaga ang edukasyon ng mga kapatid niya. Dahil hindi lang siya ang nagsusumikap, hindi lang siya ang may pangarap, kundi silang lahat na magkapatid.
“Congratulations… Proud na proud si ate sayo,” naluluha na wika ni Nenita at niyakap si Rona. Niyakap niya rin sina Ashly at Totoy na namumula ang mga mata dahil umiiyak rin ang mga ito kanina pa.
Dahil hindi nila magawa na mag-celebrate sa kanilang bahay, dinala ni Nenita ang mga kapatid sa mall. Kumain sila. Namili ng mga gamit. Gumala. Nagpakasaya.
Makita niya lang ang masayang ngiti sa labi ng mga kapatid, masaya na si Nenita. Iyon naman ang mahalaga sa kanya. Na kung anong ginhawa ng buhay ang dinanas niya dapat ay ganoon rin sa mga kapatid.
“Thank you, ate. Mahal na mahal ka namin.”
Ginulo niya isa-isa ang tutok ng ulo ng kapatid. “Mahal na mahal ko rin kayo.”
‘Hindi ko kayo pababayaan hangga’t hindi niyo pa naabot ang mga pangarap niyo’, dugtong ni Nenita sa isipan.
Bago sila umuwi, nag-grocery muna si Nenita para sa isang buwan na supply sa mga kapatid. Tuwang-tuwa naman ang mga ito. Bago umuwi sa mansyon, nagluto muna siya ng hapunan sa mga kapatid bago umalis.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...