Tama nga ang kanyang nanay Fatima, matalino, marangya ang buhay ng totong nanay niya. At base dito sa kwento na sinulat ni Debbie ay masaya ang totoong nanay niya sa boyfriend nito. Kaya naguguluhan siya paanong nagkagusto pa ito sa tatay Hernan niya.
"Ang talino na mayroon ako ay namana ko pala sa nanay ko—walang kwentang nanay," puno ng hinanakit na usal niya.
"Kaya pala parang madali lang sa akin ang lahat noong nag-aaral ako dahil nananalaytay na sa dugo ko ang katangiang iyon," nagtangis ang mga ngipin niya, mariing nakakuyom ang mga kamao. "Ang rangya ng buhay mo... pero bakit nakayanan mong iabanduna ang anak mo at hindi sinuportahan... bakit ninais mo akong patayin?"
Hinayaan niyang pumatak ang kanyang luha. Ang sakit parin ng sampal ng katotohanan sa kanya. Hanggang ngayon hindi niya parin matanggap at maintindahan ang lahat. Wala lang siyang pagpipilian kundi ang magpanggap, magbulagulagan at maging bingi.
"Wala akong plano na kilalanin ka, makita o kahit masilayan ang anino mo" nangangatal ang labi sa hikbi na usal niya "Dahil ikaw mismo ayaw akong makita, ayaw makilala at higit sa lahat, ayaw ko sa taong mamatay tao."
Patuloy parin siya sa pagbabasa sa bawat pahina na nandoon ang pangalan ng nanay niya. Kahit parang tinutusok ng karayom ang puso niya sa tuwing binabanggit niya ang pangalan na iyon.
Ngunit wala siyang nakita na dahilan doon para isipin na nagloko ang nanay niya sa boyfriend nito. "Mukhang walang alam ang mga kaibigan niya," aniya.
Patuloy parin siya sa pagbabasa hanggang sa umabot na siya sa pahina kung saan nagkagulo ng lahat dahil sa pagkabunyag sa likod ng karumaldumal na pagpatay sa nanay ni Debbie.
That scene made Nenita a hint.
She smirked in disbelief. "Mukhang hindi ko matatakasan ang nakalahad sa tadhana na darating ang araw na ako mismo ang gagalaw upang kilalanin ka—upang hanapin ka at alamin mismo sayo ang lahat," sunod-sunod na umuling siya at pagak na natawa. "Mukhang sa iyo ko magagamit ang pinag aralan ko. Mukhang hindi ko mapanindigan ang sinabi ko na hindi kita kilalanin, pagkataon na ang lumalapit sa 'kin. "
Nabigyan muli ng halaga ang misyong pinapagawa ng tatay niya na matagal na niyang tinalikuran. Kaya wala siyang makuha na matibay na ebedinsya ay dahil nasa maling tao siya nag imbistiga.
Lahat ng posibilad na dahilan ay tinipa niya sa kanyang cellphone. Wala siyang nilaktawan kahit maliit na detalye. Natigil lang siya sa ginawa ng makarinig ng kaluskos na nagmula sa loob ng garden. She saved the file bago itinago ang cellphone at muling bumalik sa pagbabasa.
Nagkunwari siyang hindi napansin ang pagdating ni King. Salubong ang kilay na sinilip niya ito nang maramdaman ang presinsya ng lalaki sa harapan niya.
Kaswal na umupo si King sa kanyang tabi hindi alintana ang tumutulo na pawis nito sa kanyang noo at leeg. Mariing napalunok si Nenita habang nakatitig sa leeg ni King na basa ng pawis.
"What's that?" King asked.
Umiwas ng tingin si Nenita at kunwaring nagbabasa muli. "Kita mo ng libro nagtanong ka pa," paingos na sagot niya.
Sinilip iyon ni King. Umarko ang dalawang kilay niya nang mabasa ng buo ang pamagat niyon. "Hindi ko nakita ng maayos kaya akala ko librong pambata ang binabasa mo."
"Anong akala mo sa librong ito, rated 18?"
"HIndi nga ba?"
"Hindi—"
Tigagal na nakasunod ang tingin niya sa libro nang agawin iyon ni King. "I see," ani King na may naglalarong ngiti sa labi na para bang may hindi inaasahan sa binabasa. Nanlaki ang mata ni Nenita nang iharap iyon ni King at tumambad sa kanya ang scene kung saan may temang hindi angkop sa mga bata. "Ganito na pala ang nilalaman ng librong pambata," usal nito hindi naalis ang ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...