Chapter 12

59 2 0
                                    

Nagising si King na masakit ang leeg at likod. Nagtataka siya na wala siya sa kanyang silid pagkamulat nito. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang maalala na umuwi pala siya na lasing kagabi.

Naparami ang inom nila ni Enrico habang nag-uusap tungkol sa negosyong pinaplano ni King. Dumating rin kasi si Javier kaya napasarap sila sa pag-uusap at humantong sa pagkwentuhan ng kung anu-anong bagay.

Inawat siya ng magkapatid na huwag nang umuwi ngunit nagpupumilit siya. Maayos naman siyang nakalabas ng mansyon, kaya lang sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay bigla siyang nahilo at naka ilang beses na natumba nang sinubok niyang maglakad pauwi. Hanggang sa hindi niya napansin na maling daan na pala ang tinatahak niya.

Inunat niya ang katawan at pinatunog ang leeg hanggang sa maibsan ang pangangalay niyon. "Walang puso talaga ang babae na'yon. Hindi pa nilubos ang pagtulong, " himutok niya habang sinusuri ang buong paligid nagbabakasali na makita si Nenita.

Kahit lasing siya kagabi tanda niya ang lahat ng pangyayari. Sadyang hindi niya lang kaya na tumayo at maglakad kaya siya bumulagta.

Napangisi na umiling siya nang maalala ang ginawa ni Nenita sa kanya. "Marunong rin pala maawa ang masungit na yun, " aniya hindi napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi.

Tumayo siya at muling inunat ang katawan. Sa tulong ng kape na pinainom ni Nenita sa kanya kanina hindi gaanong masakit ang kanyang ulo ngayon.

Bago umalis, sinulyapan niya muna ang upuan kung saan naka pwesto si Nenita kanina.

"Ugh! That fucking face..."

————_————

"A-ate... "

Nag angat ng mukha si Nenita nang marinig ang nanginginig na boses ng kanyang kapatid na si Rona. Maliit siyang ngumiti rito at sinenyasan na lumapit sa kanya.

Isa-isang pinagdampot ni Nenita ang mga pinamili niyang nagkalat. "Itago mo ito sa kwarto niyo, ha. Iyong hindi makita ni tatay, " bulong niya sa kapatid.

Kinagat niya ang loob ng labi upang pigilan ang paghikbi. Kahit ganito palagi ang trato ng kanyang ama, nasasaktan parin siya. Nadudurog parin siya sa tuwing ang tingin ng kanyang ama sa kanya ay walang pakinabang at walang kwenta.

Lumayo siya at tiniis ang mga kapatid para makalayo sa kanyang ama, makalayo at makatakas sa ibang pakikitungo sa kanya ng magulang. Ngunit bumabalik parin siya sa kanyang pinanggalingan.

Ginagawa niya parin ang lahat para may maipatunayan sa magulang. Ngunit bulag ang mga ito sa kanyang sakripisyo at narating sa buhay.

"Hindi ako pwedeng magtagal, " kinuha niya ang cell phone at isinilid iyon sa bulsa ng short ni Rona. "Marunong si Ashly gumamit niyan. Ibigay mo sa kanya mamaya pagka uwi niya. Tandaan mo, hindi sana iyan malaman ni tatay o ni nanay. Naintindihan mo ba ako, Rona? "

Sunod-sunod na tumango si Rona. "Opo, ate."

Tinulungan niya si Rona na dalhin sa kanilang kwarto ang mga groceries. Itinago nila iyon sa ilalim ng higaan at siniguradong hindi makikita ng kanilang ama.

Kung ayaw iyon tanggapin ng kanyang ama, p'wes kailangan iyon ng mga kapatid niya. Kung pwede nga lang kunin niya ang mga kapatid niya ay ginawa na niya. Ang kaso hindi pa siya maka desisyon ng matino ngayon. Dahil maski sa kanyang sarili ay wala pa siyang matinong plano sa buhay.

Niyakap niya ang kapatid na ngayon ay luhaan na. "Wag pasaway, ha. Lahat ng sasabihin ni tatay at nanay ay susundin. Wag matigas ang ulo, " basag ang boses na usal niya. "Alagaan at batyaan niyo ang isa't isa lalo na si totoy. "

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon